Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

NCCA, PIA Calabarzon, isinusulong ang pagpapaunlad ng sining at kultura

Bhaby P. De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, September 1 (PIA) - Magkatuwang na isinusulong ng National Commision for Culture and the Arts (NC...

Bhaby P. De Castro

LUNGSOD NG BATANGAS, September 1 (PIA) - Magkatuwang na isinusulong ng National Commision for Culture and the Arts (NCCA) at Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon ang pagpapaunlad ng sining at kultura alinsabay ng isinagawang NCCA Luzon Promotions Launch and call for Project Proposal Press Conference sa Lacordaire Hall San Juan de Letran Calamba City noong Agosto 30.   

Ayon kay PIA Calabarzon Regional Director Ma. Cristina Arzadon, hangad ng kanilang tanggapan na maging katuwang ng NCCA upang mapalakas ang kampanya at muling bigyang-buhay ang kultura at sining sa bansa.   Sinabi naman ni Ricamela Palis, Execom member-NCCA Subcommission on Cultural Dissemination, dahilan sa makabagong panahon, hindi maikakaila na unti-unti nang nawawala ang pagpapahalaga sa sining at kultura ng bansa.   

“Mayroon po tayong 151 wika, bukod pa ang mga dayalekto ngunit araw araw ay may wikang namamatay kung kaya’t may mga hakbang na ginagawa an g NCCA upang huwag itong tuluyang mawala. Isa na dito ay ang paggamit ng mother tongue language based education sa mga mag-aaral mula sa ikatlong baitang. Bagama’t hindi ito madali sapagkat may mga lugar na multi-lingual at multi-cultural tulad ng Cavite,” ani Palis   Ito ang dahilan kung kaya’t taon-taon ay nagsasagawa ang NCCA ng call for project proposals upang maisulong at maipakilala sa lokalidad ang mga alagad ng sining, maging ang mga sites at heritage sa bawat bayan o lugar.   

May dalawang kategorya ng proposal ang itinakda ng NCCA, una ang Category A ay nakapaloob ang mga proyektong nakasaad na ang disenyo at kabuuan alinsunod sa isinagawang iba’t-ibang level ng planning workshop batay na din sa pangangailangan sa lokalidad.   Ang mag proyekto sa ilalim ng kategoryang ito ay may tatlo o higit pang component activities. Ang mga nagnanais magpatuapd ng proyekto sa ilalim nito ay maaaring magsumite ng letter of intent.   

Para naman sa Category B, binibigyang laya ang proponent sa kung anong uri ng proyekto ang kanilang ididisenyo batay sa pangangailangan at kinakailangang magsumite ng project proposal ang mga proponents na interesado ditto.   

Maaaring makibahagi dito ang mga civil society organizations(CSO),indigenuous peoples organization/group,local government units,state universities/colleges at mga pampublikong paaralan.   Nakatakda ang pagsusumite ng letters of intent at proposal sa Setyembre 30, 2016 at inaasahang sa Disyembre ng taong ito ay may desisyon na.   

Sa buong Luzon may 51 proyekto ang maaaring mabigyan ng grant.   

Kaugnay pa nito,nagsagawa din ng writing workshop ang NCCA para sa mga indibidwal o grupong gustong bumuo ng proyekto dahilan sa feedback ng karamihan na maghirap ang paggawa ng project proposal.   

Samantala, nagtanghal naman sa launching ang Kulbit Bulilit, samahan ng mga mag-aaral sa San Juan de Letran na tumutugtog ng Rondalla at iba pang string instruments gayundin ang Arts Research and training Institute in Southern Tagalog Inc.(ARTIST Inc.), isang non government organisasyon sa larangan ng sining at kultura at naglulunsad ng workshop at mga pagtatanghal.(MCA/BPDC-PIA BATANGAS) - See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/681472644650/ncca-pia-calabarzon-isinusulong-ang-pagpapaunlad-ng-sining-at-kultura#sthash.HmINys5k.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.