by RohanP, Antipolo PIO/PIA-Rizal LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal (PIA) -- Kasalukuyan nang nagpaplanong magpapatayo ang lungsod ng isang ma...
by RohanP, Antipolo PIO/PIA-Rizal
LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal (PIA) -- Kasalukuyan nang nagpaplanong magpapatayo ang lungsod ng isang malaking rehabilitation facility, alinsabay ng hakbang ng pamahalaang lokal na sagutin ang pagpapa-rehab sa mga sumukong drug users.
Nagsimulang sumuko ang drug pushers at users sa lungsod nitong buwan ng Hulyo na umabot na sa bilang na 1,200 simula nang magbaba si Pangulong Rodrigo Duterte nang matapang na kampanya kontra droga.
Bunga nito, sunod-sunod na aksyon laban sa droga ang pinapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo. Kabilang ang dagliang kautusan ni City Mayor Jun Ynares na lalo pang palakasin ng lungsod ang anti-drug campaign nito upang tuluyan ng malinis ang Antipolo sa ilegal na droga.
Dinagdagan din ng pamahalaang lokal ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga empleyado ng lungsod. Ang mga empleyadong mapapatunaang drug user ay tatanggalin sa trabho.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Mayor Ynares sa pagpayag ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng lungsod na sumailalim sa random drug test. Isusunod na rin ang pagsasagawa ng random drug testing sa City Jail.
Magkahalong tuwa at lungkot naman ang mararamdaman ni Mayor Ynares kung sakaling may lumabas na positibo sa droga mula sa mga inmates ng city jail. Ayon sa kanya, matutuwa siya at malilinis ang city jail sa droga kung mayroon man ngunit may halo ring kalungkutan dahil sa sinirang tiwala at kredibilidad ng mga kapulisang nagpasok ng ilegal na droga sa loob ng kulungan.
Katuwang din ng pamahalaang lungsod ang Rizal Provincial Government (RPG) sa malakihang kampanya laban sa droga. Nakatakda ring magtayo ang RPG ng rehabilitation center sa lalawigan ayon kay Gov. Rebecca “Nini” Ynares.
No comments