by Rohan, Antipolo PIO/PIA-Rizal LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Okt. 6 (PIA) --Mahigit 100 pamilya na naman ang tinulungan ng pamahalaang ...
by Rohan, Antipolo PIO/PIA-Rizal
LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Okt. 6 (PIA) --Mahigit 100 pamilya na naman ang tinulungan ng pamahalaang lungsod ng Antipolo na magkaroon ng lugar na matitirhan pagkatapos magsagawa ng pagbabaklas ng mga kabahayan sa Sitio Saguingan, Brgy. Sta. Cruz.
Ang mga pamilyang naapektuhan ay inilipat sa mga relocation sites sa Barangay San Jose sa pangangasiwa ng Urban Settlement and Development Office (USDO). Sinimulan ang pagbabaklas noong Hulyo 2016 sa bisa ng utos ng korte na inilabas ni Judge Evangeline Cabochan-Santos ng Municipal Trial Court, Branch 2.
“Mahigpit na pinapatupad ng pamahalaang lungsod ang ‘no relocation, no demolition.’ Hindi po natin aalisan ng mga bahay ang ating mga informal settlers kung hindi po natin sila matutulungang makapag-bagong buhay. Ito po ay matagal na nating ginagawa. Dapat po may lilipatan na sila bago po simulan ang pagbabaklas ng mga bahay at ito po ang sinisiguro ng ating pamahalaang lokal,” sabi ni Mayor Ynares.
Umabot na sa 3,954 informal settlers ang nabiyayaan ng palupa ng pamahalaang lokal simula pa noong 2013. - See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/631475720419/tagaglog-news-antipolo-city-gov-t-namigay-muli-ng-palupa-sa-mga-nawalan-ng-tirahan#sthash.o9Ez863g.dpuf
No comments