Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong barangay hall ng Silangang Mayao, pinasinayaan

by PIO Lucena/ R. Lim Pormal nang pinasainayan at muling binuksan sa publiko ang bagong barangay hall ng Silangang Mayao kamakailan. N...

by PIO Lucena/ R. Lim

Pormal nang pinasainayan at muling binuksan sa publiko ang bagong barangay hall ng Silangang Mayao kamakailan.
Nagsimula ang aktibidad sa pamamgitan ng isang misa na pinangunahan ni Father Francis Binco kasama si Brgy. Chairwoman Nieves Maaño ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Dumalo rin sa isinagawang pagpapasinaya sa nabanggit na establisyemento si Mayor Roderick “Dondon” Alcala at ang anak ni Congressman Vicente “Kulit” Alcala na si Vinette Alcala.
Sa isang maiksing programa, sa pananalita ni Mayor DOndon Alcala, pinasalamatan nito si Congressman Vicente Alcala sa pagbibigay nito ng mga proyekto para sa Brgy. Silangang Mayao.
Dagdag pa ng alkalde, kapag aniya magkatuwang ang congressman at ang mayor ay tiyak na ang nakikinabang dito ay ang mga barangay at ang residente nito.
Kaniya ring binati si Kapitana Nieves Maaño at ang lahat ng Sangguniang Barangay sa pagkakaroon ng mga ito ng isang bagong barangay hall na aniya ay naisakatuparan dahilan sa kakulitin ng mga ito na mapabilis ang pagsasa-ayos.
Samantala sa pananalita naman ni Vinette Alcala, kaniyang binati ang lahat ng mga bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Silangang Mayao sa pangunguna ng kanilang kapitana dahilan sa natapos na at muli nang magagamit ang kanilang bagong barangay hall.
Dagdag pa nito na bagamat hindi nakarating ang kaniyang ama ay tiniyak naman nito na buo ang suporta ni Congressman Kulit Alcala sa Sangguniang Barangay ng Silangang Mayao at aniya maswerte rin ito at ang buong lungsod ng Lucena dahilan naman sa pagkakaroon ng masipag na punong lungsod.
Ayon pa rin kay Vinette Alcala, dahilan sa pagtutulungan nina Congressman Alcala at ni Mayor Alcala ay mas napapaunlad pa at nagkaroon ng maraming proyekto ang lungsod gayundin ang ikalawang distrito ng lalawigan.
Bukod sa ginawang blessing sa bagong barangay hall ng Silangang Mayao ay una nang pinasinayaan at binasbasan ang iba pang mga establisyemento tulad ng farm to market road, Day Care Center at outpost ng barangay tanod na naisakatuparan dahil na rin sa tulong nina Congressman Kulit Alcala at Mayor Dondon Alcala. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.