by Shine Madoro, Antipolo PIO/PIA-Rizal LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Okt 3 (PIA) --Ibinida ang galing sa sining ng mga Antipolenyo sa art ex...
by Shine Madoro, Antipolo PIO/PIA-Rizal
LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Okt 3 (PIA) --Ibinida ang galing sa sining ng mga Antipolenyo sa art exhibit na pinamagatang “Artipolo: A Journey to Rizal’s Artistry” sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, Philippine Information Agency (PIA) at National Commission on Culture and the Arts (NCCA) noong Setyembre 19, 2016 sa SM Masinag. Pangunahing adhikain ng naturang exhibit na buhayin at pagyamanin ang sining at kultura sa iba’t ibang rehiyon kabilang na ang probinsya ng Rizal.
“Ang exhibit pong ito ay pagkakataon din upang ipakita ang angking galing ng mga taga-Antipolo pagdating sa pagpipinta at iskultura. Binibigyang pasasalamat po natin ang mahuhusay nating local artists dito sa Antipolo sa pagbabahagi ng kanilang kakayahan at talento upang ating maging katuwang sa pagsusulong ng mayamang kultura ng ating bayan sa pamamagitan ng sining,” pahayag ni Mayor Jun Ynares.
Dumalo sa programa sina Konsehal Ronald Barcena, Provincial Tourism Officer Dr. Corazon Lacerna, City Tourism Officer Mar Bacani, PIA-Rizal Assistant Regional Director Carlo Gonzaga, Barangay Mayamot Chairman Pablo Oldan at Artipolo President Pol Mesina na nagbigay ng makabuluhang mensahe.
Pinangunahan naman ng mga nabanggit na opisyales ang isinagawang ribbon cutting upang pormal na buksan ang exhibit sa publiko kung saan tampok ang mahigit 50 art displays.
Libreng nabisita ang mga paintings at sculptures simula Setyembre 19 hanggang Setyembre 26.
Sa Antipolo rin matatagpuan ang Pinto Art Museum na mayroong samu’t saring obra ng sining na bukas para sa lahat ng art enthusiasts. (Shine Madoro, Antipolo PIO/PIA-Rizal)

No comments