by Quezon PIO Sa ilalim ng pamumuno ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resour...
by Quezon PIO
Sa ilalim ng pamumuno ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), nakiisa ang Quezon sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-Up nitong nakaraang Setyembre 16, 2016 sa Brgy. Dalahican, Lucena City.
Umabot sa 2,762.06 kilograms ang nakolektang basura ng mga sumali sa paglilinis ng tabing-dagat – kung saan mahigit sa kalahati nito ay nagmula sa Purok 1B ng nasabing barangay.
Ang naturang gawain ay taon-taong isinagasagawa ng pamahalaang panlalawigan na siya ring bahagi na ng programa ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Kalikasan at Securing Quezon’s Future.
Naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa naturang gawain ang ABE Business College, Philippine Coast Guard, Civil Service Commission, Environmental Management Bureau – Quezon, Human Resources and Management Office – Quezon, Department of Public Works and Highway (DPWH), PENRO at CENRO Talipan, at mga miyembro ng 4Ps.
Sa bahagi naman ng mga panlalawigang tanggapan, patuloy na ipinapatupad ng PG-Enro ang waste segregation and management upang makatulong sa malawakang kampanya laban sa polusyon. Mahalaga na maging regular na disiplina ang tamang pagtatapon ng basura, para sa ikabubuti ng kalikasan. (Quezon PIO)

No comments