Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kampanya laban sa rabies, mas pinaigting sa Lalawigan ng Batangas

by BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) --Mas lalong pinalalakas ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang kampa...

by BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) --Mas lalong pinalalakas ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang kampanya nito kontra rabies sa pagdiriwang ng World Rabies Day na ginanap sa Capitol Grounds noong Setyembre 29.

Sa temang “Fight Rabies.Educate.Vaccinate.Eliminate. Hawak Kamay Itong Malalabanan” ay isinagawa ang isang dog walk at fun match na nilahukan ng iba’t-ibang breed ng aso at mga dog lovers sa probinsya.

Sinabi ni Dr. Romelito Marasigan, pinuno ng Provincial Veterinary Office na ito ay isinasagawa upang kilalanin ang mga kaagapay ng pamahalaang panlalawigan sa paglaban sa nakamamatay na rabies kabilang na ang mga national government agencies at mga lokal na pamahalaan sa buong lalawigan.

“Hindi man gaanong mataas ang mga kaso ng rabies sa ating lalawigan patuloy tayo sa pagsasagawa ng mga programa na makakatulong upang tuluyang maelimina ito. Batay sa tala ng Provincial Health Office(PHO), ang pinakamataas na kaso ng rabies sa lalawigan ay noong 2014 na umabot sa 12. Kung kaya’t masigasig ang pagpapatupad natin ng mga programa para tuluyan na itong mawala sa lalawigan.”,dagdag pa ni Marasigan.

Bukod pa dito, binigyang pagkilala ang lalawigan ng Batangas mula sa Bureau of Animal Industry bilang Best LGU Implementor on Rabies Control Program. 

Iba’t-ibang programa sa ilalim ng rabies control program ang ipinatutupad ng tanggapan ng ProVet tulad ng information education campaign kung saan may mga lectures o forum upang ipaalam ang mga epekto at sintomas ng tao at hayop na posibleng may rabies sa mga munisipyo at barangay. Mayroon ding vaccination program kung saan binibigyan ng libreng bakuna ang mga aso at pusa sa level ng munisipyo.Kasama din dito ang dog population control tulad ng pagkakapon ng mga lalaking aso o pag-aalis ng matris ng mga babaeng aso upang maiwasan ang kanilang pagdami lalo na sa mga lugar na nagkalat ang aso.

Sa pamamagitan lamang ng laway ay maaaring mapasalin ang rabies virus mula sa isang hayop papunta sa tao,tao sa tao o kaya ay hayop sa hayop.

Kaugnay nito,nagbigay din ng advise si Marasigan para sa sinumang nakagat ng aso na dapat ay hugasan ang sugat sa dumadaloy na tubig sa loob ng 5 o 10 minuto upang mabawasan ang rabies virus mula sa laway ng infected na hayop.

Ang vaccination program ay isinasagawa mula Enero hanggang Marso ng taon.Kaugnay nito nananawagan si Marasigan na maging responsible dog owner ang lahat ng Batangueno upang tuluyang maelimina ang rabies sa lalawigan. - See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/681475216876/tagalog-news-kampanya-laban-sa-rabies-mas-pinaigting-sa-lalawigan-ng-batangas#sthash.ZvMif3Iw.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.