Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lalawigan ng Batangas, naki-isa sa 3rd Quarter NSED

by BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) --Matagumpay na isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Manage...

by BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) --Matagumpay na isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council(PDRRMC) ang ikatlong Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Provincial Capitol compound kamakailan.

Sa scenario na ginawa kung saan ang Kamaynilaan ay nakaranas ng 7.2 magnitude na lindol dahilan sa pinangangambahang “The Big One” at naranasan din sa lalawigan ng Batangas ang 5.8 magnitude na lindol kung kaya’t isinagawa ng lahat ng kawani at mga opisyal sa bawat tanggapan ang “Duck,Cover and Hold at pagkatapos ay nagtungo sa itinalagang limang (5) evacuation areas sa compound ng kapitolyo. 

Agaran ding binuo ang Incident Management Team upang bigyan ng direksiyon ang gagawing pagtugon at alamin ang mga pinsalang dulot ng lindol sa mga kawani at maging sa mga gusali ng pamahalaang panlalawigan. 

Binuo ito nina Joselito Castro (PDRRMO) bilang Incident commander, Antonio de lacy –Operation,Carlo Soriano-Planning; Joey Miranda-Logistics;Daria ng Finance Unit;Amiel medina Bilang Safety officer; Vincent Altar-Information at Dyane Garcia-Liaison. 

 Isa isa ding nag-ulat ang lahat ng Safety Officer sa bawat departamento ukol sa bilang ng kanilang mga kawani at kung may nasaktan o napinsala. 

Ayon kay Joselito Castro, ang pangunahing layunin nila sa pagsasagawa at pakikibahagi sa naturang drill ay upang maparami pa ang bilang ng mga tao na may tamang kaalaaman ukol sa first aid at basic life support upang kung sakaling mangyari ang hindi inaasahan ay may kaalaman at may tutulong sa mga biktima. 

“Hindi po kami titigil sa PDRRMC sa pagsailalim sa training upang maging sapat ang kaalaman para sa kaligtasan ng lahat,”dagdag pa ni Castro. 

Pinaalalahanan naman ni Antonio De Lacy na nagsilbi pinuno ng Operations Team ang mga rescuers na maging maingat at siguruhin ang personal protective equipment (PPE) ay kumpleto dahil kapag nangyari ang aktwal na kalamidad ay wala ng ibang mag-rerescue kapag ang mga ito ay hindi naging maingat.

Sa mensahe naman ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan,nagpasalamat siya sa lahat ng nakibahagi sa drill sapagkat ito ay isang mabisang paraan upang paghandaan ang kalamidad tulad ng lindol at pagputok ng bulkan dahil maging ang makabagong teknolohiya ay hindi kayang i-predict ang lindol kumpara sa bagyo.

“Kapag alam natin ang gagawin tayo ay naaarmasan upang ma-minimize ang damage ng anumang kalamidad at magkaroon ng zero casualty na palagiang target natin. Kaugnay nito, nais ng ating gobernador na mag-invest sa paghahanda sa disaster kung kaya’t kailangang sumailalim tayo sa mga training na maaaring gawin. Hindi lamang ito maging ang mga kagamitan o tools na kailangan sa panahon ng kalamidad “,ayon pa kay Dimaunahan.

Batay naman sa obserbasyon ng ilang ahensya na nakibahagi dito ilan s akanilang mga napuna ay ang sumusunod: kailangang maglagay ng mas malakas na sirena upang marinig ito sa lahat ng sulok ng kapitolyo ; pagbibigay kaalaman sa mga bisita sa kapitolyo ukol sa isinagawang drill upang ang mga ito ay makibahagi din; alinsabay sa pagkakaroon ng malakas na ulat,kailangan ng mga rescuers ng mga kagamitang tulad ng kapote upang maiwasan na sila naman ay mabasa ng ulan.

Sa kabuuan ay pinuri ng mga observers ang bumubuo sa PDRMMC sapagkat naisagawa nito ng maayos ang Incident command System. - See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/681475211394/tagalog-news-lalawigan-ng-batangas-naki-isa-sa-3rd-quarter-nsed#sthash.dBznbSrx.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.