Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 40 pares nabiyayaan ng libreng kasal ng pamahalaang panlungsod

Tinatayang mahigit sa 40 mga pares ng mga bagong mag-asawahan ang nabiyayaan ng libreng kasal ng pamahalaang panlungsod kamakailan. Ito ay ...

Tinatayang mahigit sa 40 mga pares ng mga bagong mag-asawahan ang nabiyayaan ng libreng kasal ng pamahalaang panlungsod kamakailan.
Ito ay dahil na rin sa programa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na Kasalanang Bayan na isinagawa sa Parokya ni San Rapahel Arkanghel sa Brgy. Dalahican na kung saan ay pinangunahan naman ni Father Alex Oracion ang nasabing misa dito.

Personal na dinaluhan ito ni Mayor Dondon Alcala kasama ang mga konsehal na sina Vic Paulo, Anacleto Alcala III, Benny Brizuela at Brgy. Dalahican Chairman Peter Castillo.
Ang mga nabiyayaan ng nasabing kasal ay nagmula sa mga barangay ng Dalahican, Mayao Crossing at Talao-Talao.
Matapos ang misa ng kasal nagkaroon rin ng kaunting salo-salo para sa mga ito na kung saan ay nakasalo ng mga ito ang mga nasabing opisyales.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, binati nito ang lahat ng mga ikinasal at humiling rin ang alkalde sa mga ito na sakaling makasalubong siya ay huwag mag-atubiling batiin siya saan sila magkita ng mga nasabing ikinasal.
Lubos naman na nagpasalamat ang mga napagkalooban ng libreng kasal na nabanggit kay Mayor Dondon Alcala sa pagkakaroon ng ganitong uri ng proyekto.
Ang Kaaslang Bayan ay isa sa mga programa at proyekto ni Mayor DOndon Alcala na libreng ipinagkakaloob para sa mga mag-asawang nagnanais na maikasal sa simbahan na ngunit kapos sa pinansyal na aspeto.
Dahil isa rin sa ninanais ni Mayor Dondon Alcala ay mapalapit ang mga ito sa panginoong Diyos at magsama ng may basbas mula sa simbahan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.