Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pangangalaga sa kalikasan, sentro ng Marian regatta

by BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS BALETE, Batangas  (PIA) --Pangangalaga sa kalikasan ang binigyang-diin at naging sentro ng pagdiriwan...

by BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS
BALETE, Batangas  (PIA) --Pangangalaga sa kalikasan ang binigyang-diin at naging sentro ng pagdiriwang sa ika-5 Taal lake Festival bilang paggunita sa 13th National Marian Days of Pilgrimage and Prayer in Lipa na isinagawa noong Set 7 at 8 bilang pagdiriwang sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria.
 Sinimulan ang prusisyon sa lawa ganap na alas-6 ng umaga na nilahukan ng iba’t-ibang mga Batangueno at deboto ng Inang Maria kung saan habang umiikot sa lawa ng Taal ay umuusal ng dasal ang lahat ng nakibahagi dito.
Pagkatapos ay isang misa ng pasasalamat ang isinagawa sa covered court sa bayan ng Balete na pinangunahan ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles kasama ang mga pari ng Archdioses, madre, seminarista, mga deboto, guro, estudyante, kawani ng pamahalaan at mananampalataya.
 Naging sentro ng homiliya ni Arguelles ang patuloy na pangangalaga ng kalikasan para mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon ng kabataan. Aniya,dapat ay mapangalagaan ang likas na yaman na ipinagkaloob sa lalawigan ng Batangas tulad ng Verde Island Passage na isa sa itinuturing na pinamaganda sa buong mundo dahilan sa dami ng mga species ng isda at lamang dagat na tanging dito lamang matatagpuan.
 Binigyang diin din niya ang patuloy na pangangalaga sa lawa ng Taal at ang tuluyang pagtanggal sa mga fishcages upang ang mga talakitok na pumapasok sa Balayan Bay ay mas dumami pa at maging ang maliputo na siyang isa sa mga kilalang isda na matatagpuan sa lawa bukod sa pamosong tawilis.
 Kaugnay nito, nanawagan Archbishop Arguelles sa pamahalaan na huwag ng payagang tuluyang masira ang kalikasan alinsabay ng pagbasura sa mga planta tulad ng coal-fired power plant na lubhang makakaapekto sa likas na yaman.
 Tinugunan naman ni Governor Hermilando Mandanas ang panawagan ng Arsobispo sa pagsasabi na hindi na nito papayagan ang pagtatayo ng mga bagong coal-fired power plant sa lalawigan sapagkat batid niya ang malaking epektong maaaring idulot nito sa buhay lalo  na sa kalusugan ng mga Batangueno.
 Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Balete Mayor Leovino Hidalgo sapagkat napili ang kanilang bayan upang pagdausan ng naturang regatta.
 “Ang bagay na ito bagamat mahirap at madaming preparasyon ang kailangan ay hindi dapat tanggihan sapagkat ito ay pagpapakita ng debosyon,paggalang at pagmamahal sa Birheng Maria. Kung sakaling sa susunod na taon ay maisip nilang dito muling gawin ang pagdiriwang ay hindi kami magdadalawang isip sapagkat para sa mga taga-Balete ito ay isang pagpapala,”dagdag pa ni Hidalgo.
 Binigyang diin pa ni Hidalgo na sa kanilang bayan ay isa ang pangangalaga sa kalikasan na mariin niyang ipinatutupad kung kaya’t walang mga fish cages sa kanilang bayan at patuloy din ang kanyang panawagan sa mga may-ari ng malalaking babuyan na huwag magtapon ng kanilang dumi sa lawa upang huwag itong tuluyang masira. 

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.