Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Rabies Control/Prevention Program ng lalawigan ng Quezon

by Quezon PIO Kaalinsabay ng pagdiriwang ng World's Rabies Day sa September 28, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni G...

by Quezon PIO

Kaalinsabay ng pagdiriwang ng World's Rabies Day sa September 28, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Gov. David C. Suarez sa pamamagitan ng Animal Bite Treatment Center na pinamamahalaan ni Dra. Mila Salamat at Ms. Diane Tabernilla, isang programa ang kanilang inilatag para sa mga kababayan natin na nakagat o makakagat ng alagang aso at pusa.

Ayon sa Batas RA 9482, huwag hayaang gumala ang alagang aso o pusa sa labas ng bakuran. Pabakunahan ang mga ito taon-taon at iparehistro sa lokal na pamahalaan. Nasasaad din sa batas na ito na sasagutin ng may ari ng aso o pusa ang taong nakagat ng kanilang mga alaga sa pagpapabakuna.

Ayon kay Dra. Salamat, ang Rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng virus na may epekto sa Central Nervous System at ito at nagmumula sa laway ng isang hayop na may rabies. Ito rin ay nalilipat sa tao sa pamamagitan ng ng kagay ng hayop na may rabies o kapag nalagyan ng laway ng hayop na may rabies ang sariwang sugat o gasgas.

Dagdag pa niya, kapag ang isang tao ay nakagat ng aso o pusa hugasan agad ang sugat ng sabon at malinis na tubig ng 10 minuto o higit pa. Magpabakuna sa pinaka malapit sa Animal Bite Center at ipaalam sa kinauukulan sa loob ng 24 oras. Huwag magpapagamot sa Tandok o Albularyo at huwag papatayin ang aso o pusa na naka kagat upang ito ay maobserbahan ng 14 na araw.

Samantala, maaring malaman na ang isang aso ay may rabies kung biglang magiging mabagsik o mabangis ito. Nangangagat ng kahit na anong bagay , tumatakbo ng walang deriksyon, nagbubula ang bibig dahil sa paglalaway, nahihirapan sa pag inom ng gamot at tubig, hindi mapakali at nagtatae.

Mahalaga na malaman din natin ang ang mga hakbang sa mga aso na nakakagat ng tao. Dapat itong ikulong para maobserbahan sa loob ng 14 na araw at, iwasan na patayin ito sa anumang pamamaraan. Kung mamatay ang nakakagat na aso o pusa sa loob ng 14 na araw ipaputol ang ulo sa beterinaryo, ilagay ito sa isang plastik na walang tagas at lagyan ng yelo at dalhin agad sa Animal Disease Diagnostic Laboratory upang masuri ang utak.

May mga signs and symptoms na makikita sa isang nakagat ng aso o pusa. Maari itong lagnatin, walang pakiramdam sa bahagi ng nakagat, nagkakaroon ng muscle spasm at takot sa tubig at hangin.

Kaya upang maiwasan ang sakit na ito maging responsableng pet owner, pabakunahan ang alagang aso o pusa sa edad na 3 buwan at pagkatapos nito ay taon taon na itong dapat pabakunahan. Huwag hayaan na pagala gala ang inyong alagang aso o pusa sa labas ng inyong tahanan at pangalagaan ang mga ito.

Matatandaan na batay sa mga reports ang rabies ay laganap sa buong Pilipinas. Naitala na ang insidente ng rabies sa tao dito sa bansa ay isa sa pinakamataas sa buong mundo.

Kaya naman ang Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Department of Agiculture ay naglunsad ng Programang Rabies Free Philippines ( RA 9084) by the year 2020.

Samantala, ang Provincial Veterinary Office sa pangunguna ni Dra. Flomel Caguicla ay patuloy naman ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga alagang aso at pusa sa lahat ng bayan sa buong lalawigan ng Quezon.

Lubos naman ang pasasalamat ni Dra. Salamat kay Gov. Suarez dahil sa suportang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong tanggapan na matatagpuan sa harap ng Quezon Medical Center. Ang grupo ni Salamat ay magbibigay ng libreng bakuna sa sinumang makakagat ng aso o pusa.(Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.