Sen. Cynthia Villar by Lolitz Estrellado SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan- Pormal nang binuksan at pinasinayaan ni Sendaora Cynthia Villa...
Sen. Cynthia Villar |
SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan- Pormal nang binuksan at pinasinayaan ni Sendaora Cynthia Villar ang Villar SIPAG Farm School sa lunsod na ito kamakailan.
Sa isang ekslusibong panayam sa butihing senadora, sinabi nito na ang nasabing farm school ay para sa mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at faculty members mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, at hindi lamang naman para sa mga Bulakenyo.
"As you can see, we are not only catering to the training needs of our farmers. The farm school is a venue for learning for everyone. We are very fortunate to have DSWD supervisors with us today. I urge them to shar their learnings on urban farming to 4Ps beneficiaries," paliwanag ni Sen. Villar na siyang chairwoman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development.
Ang umaabot sa bilang na 130 DSWD personnel mula sa iba't ibang panig ng bansa ay Supervisors/Implementors ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ipinaliwanag pa rin ni Sen. Villar makakatulong ang mahahalagang bagay na makukuha rito upang magamit sa mga proyekto ng DSWD-United Nations World Food Programme na kinapapalooban ng mga mahahalagang paksa tungkol sa kagutuman o hunger, sekuridad sa pagkain o food security, at nutrisyon sa mga Family Development Sessions.
No comments