Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Paggawa ng Diksiyonaryo ng Wikang Filipino, bubusiiin ng mga Lesksikograpo at lingguwista

QUEZON CITY - Bubusiiin ng mga dalubhasa sa wika ang pagbubuo ng diksiyonaryo ng Wikang Filipino at mga wika sa Filipinas sa isang simposyu...

QUEZON CITY - Bubusiiin ng mga dalubhasa sa wika ang pagbubuo ng diksiyonaryo ng Wikang Filipino at mga wika sa Filipinas sa isang simposyum na pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino. 

 Dadaluhan ng mga leksikograpo, lingguwista, at eskolar sa wika ang libreng Simposyum para sa Leksikograpiya na gaganapin sa 23–24 Nobyembre 2016, 8:00nu-5:00nh sa Benitez Theater, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon. Tatalakayin ni KWF Komisyoner Dr. Purificacion G. Delima, edukador at lingguwista, ang kasaysayan ng mga diksiyonaryo sa Filipinas at ang iba’t ibang mahalagang isyu hinggil nito. 

 Ipaliliwanag ni Dr. Anicia del Corro, isang lingguwista at manunulat sa wikang Kapampangan, ang kahalagahan ng leksikograpiya bilang isang disiplina sa lingguwistika. Ipakikilala ni Dr. Nina Christina Lazaro-Zamora, isang lingguwista, mananaliksik-wika, awtor at konsultant ng teksbuk, at edukador ang iba’t ibang pamamaraan ng pagbigkas at pagsulat ng mga Filipino sa paksang varayti at varyasyon ng wika. 

 Ibabahagi ni Dr. Arthur P. Casanova, manunulat at edukador, ang iba’t ibang karanasan at praktika sa pagbuo ng espesyalisadong diksiyonaryo, partikular na ang pagbuo ng monolingguwal na diksiyonaryo. 

 Samantala, ilalatag naman ni Dr. Christian George C. Francisco ang mahahalagang karanasan hinggil sa pagbuo ng diksiyonaryo ng print at broadcast media. Magbabahagi ng importanteng karanasan at praktika sa pagbuo ng diksiyonaryong Waray-Filipino-English si Prop. Evelyn A. Lanuza; diksiyonaryong Pangasinan-Ilokano-Filipino-English si Dr. Joselito D. Daguison; at diksiyonaryong Mindanao-Sulu-Palawan si Dr. Rosario B. Dizon. Tampok din sa simposyum si Dr. Tereso S. Tullao, Jr., isang ekonomista, propesor sa ekonomiks mula sa De La Salle University-Manila, at awtor ng teksbuk at diksiyonaryo sa ekonomiks, na tatalakay hinggil sa diksiyonaryo sa larang ng ekonomiks. Komprehensibong tatalakayin ni Dr. Benjamin Mendillo, Punò ng Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang mahahalagang termino hinggil sa batas at hurisprudensiya. 

 Tampok sa gawaing ito ang pagbuo ng balangkas sa iba’t ibang modelo at pagbuo ng diksiyonaryo. (KWF) Para sa iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan kay Victoria G. Corrige-Casoy sa mga telepono blg. 2439855, 0998-3280515, 0915-8465459, o mag-email sa may20_72ma.victoria@yahoo.com kung may tanong o paglilinaw.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.