LUNGSOD NG TANAUAN,BATANGAS (PIA)- Binigyan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ng permanenteng posisyon ang may 36 na job order employees no...
LUNGSOD NG TANAUAN,BATANGAS (PIA)- Binigyan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ng permanenteng posisyon ang may 36 na job order employees noong Disyembre 20.
Ang 67 mga bagong regular na kawaning ito ay kabilang sa mahigit 100 job order personnel ng lokal na pamahalaan na nagsilbi na ng siyam na taon pataas.
Ang hakbang na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtugon ng Sangguniang Panglunsod at pagpapasa ng City Ordinance No. 2016-17 o mas kilala na “An Ordinance Creating Permanent and Coterminus Positions in Various Offices of the City Government of Tanauan”.
Ayon kay Mayor Antonio Halili, magpapatuloy ang programang ito ng kanilang tanggapan hanggang may sapat na pondo at naaayon sa guidelines ng Civil Service Commission (CSC).
“Ito ay walang anumang bahid ng pulitika kaya kahit sino basta kwalipikado ang job order para sa permanenteng posisyon ay dapat maisulong sapagkat malaking tulong ito hindi lamang sa kanila kundi maging sa kanilang mga pamilya.”, ani Halili.
Alinsabay ng panunumpa ng mga bagong permanenteng kawani ay binigyang pagkilala din ang mga natatanging kawani ng pamahalaang lungsod at ang pagbibigay pugay sa mga empleyadong nagretiro na sa kanilang pagseserbisyo sa taong ito. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from CIO Tanauan)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/631482819049/67-na-job-order-employees-binigyan-ng-permanenteng-posisyon-sa-tanauan-city#sthash.SEZ7rUVn.dpuf

No comments