MANILA - Ipinagkaloob na ng Department of Labor and Employment (DOLE) National Reintegration Center for OFWs (NRCO) at ng Integrated Seafar...
MANILA - Ipinagkaloob na ng Department of Labor and Employment (DOLE) National Reintegration Center for OFWs (NRCO) at ng Integrated Seafarers of the Philippines (ISP) ang second tranche ng premyo na nagkakahalaga ng P300,000 para sa grand prize winner ng 2016 NRCO-ISP Business Plan Competition.
Umani ng papuri ang nagwaging si Ryan Mark Antiquera, para sa Soft Broom Making business nito sa 2016 DOLE NRCO-ISP Business Plan of the Year competition at nagbigay sa kanya at pamilya nito ng premyong P500,000.00, na ibinigay sa tatlong tranche.
Naibigay ang unang tranche ng premyo sa halagang P50,000 noong final round ng kompetisyon na ginawa noong Nobyebre 11, 2016, habang ang ikalawang tranche naman ay ipinagkaloob kay Antiquera noong December 17, 2016, matapos na maipasa ang mga dokumentong kinakailangan at nasasaad sa panuntunan ng kompetisyon.
Nai-broadcast naman ang pagkakaloob ng ikalawang tranche ng premyo sa programa sa radyo ng ISP na “Gabay ng Pamilyang Marino” sa DZIQ 990 AM.
Ang natitirang P150,000 ay ipagkakaloob kay Antiquera kasabay ng Project Monitoring and Evaluation ng NRCO sa Marso 2017.
Liban sa cash prize na natanggap ni Antiquera, makatatanggap rin siya at ang kanyang pamilya ng tulong upang magkaroon ng business registration at iba pang serbisyo mula sa lokal na pamahalaan ng probinsya sa Bikol.
Mula sa Pagiging Manlalayag hanggang sa pagiging Enterpreneurs, ang 2016 NRCO-ISP Business Plan Competition (Harnessing Seafarers’ Capacities for Business Enterprises Development)” ay proyekto ng DOLE – NRCO, at ang ISP na pangunahing naglalayong hikayatin ang mga seafarers na pasukin ang social entrepreneurship at suportahan ang paglikha ng mga trabaho sa kanilang bayan.
Ang NRCO ay may mandato na linangin at ipatupad ang national agenda on sustainable return and reintegration upang matugunan ang multi-faceted reintegration na pangangailangan ng mga umuwing Overseas Filipino Workers at ng kanilang pamilya, kasama na ang paglinang sa kanilang mga komunidad at bayan.
Samantala, ang Integrated Seafarers of the Philippines naman ay isang non-stock at non-profit organization na binuo at inilunsad para sa kapakanan ng mga Filipino seafarers at kanilang mga pamilya.
Naglalayon itong bumuo ng mga oportunidad sa mga pamilya ng manlalayag na mai-angat ang antas ng kanilang pamumuhay habang ang mga seafarer ay namamasukan pa sa ibang bansa; at upang makapagbigay daan sa social reintegration matapos ang trabaho nila sa ibayong dagat. (DOLE)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141484314128/2nd-tranche-prize-ipinagkaloob-ng-dole-nrco-isp-sa-nagwagi-ng-2016-business-plan-competition#sthash.OquSPArw.dpuf

No comments