MANILA - Mas pinalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga bawal na gawain sa pag-eempleo ng kabataan sa agrikultura at pa...
MANILA - Mas pinalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga bawal na gawain sa pag-eempleo ng kabataan sa agrikultura at pangangalaga ng mga hayop upang mailayo sila sa mapanganib na kondisyon sa paggawa.
Ipinalabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Department Order No. 149-A na nagtatakda sa mapanganib at delikadong gawain sa pagsasaka para sa mga batang manggagawa. Kasama dito ang mga gawain sa paghahalaman tulad ng grafting, budding and marcotting, at paggagapas ng damo.
Pinagtitibay ng bagong kautusan ang kasalukuyang ban sa pag-eempleo ng kabataan sa mga gawaing agrikultura tulad ng paglilinis ng lupain, pag-aararo, irigasyon, pagtatayo ng pilapil at pagpuputol. Idineklara ding mapanganib ang paghawak, pag-spray at paglalagay ng nakakapinsalang fertilizers, pesticides, herbicides at iba pang toxic chemicals; at pagkakarga at pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
Hindi rin pinapayagan ang mga kabataan sa mga gawain sa pag-aani tulad ng pagpuputol, pagpapatuyo, paghatak, pagtataas, pagsusunog ng tanim, at pagkakarga ng mga produkto.
Hindi rin maaaring magtrabaho ang mga kabataan sa pagtatabas, paghuhukay, pagsasako ng produkto, pag-uuling, paghila ng mga produkto, pagkarga at pagbaba ng mga produkto, paghuhurno ng niyog, pagseselyo at pagkakariton ng mga produkto mula sa bodega patungong palengke at lahat ng iba pang gawain tulad ng pagkakaingin, paglilinis, at pag-recycle ng mga tirang produkto sa bukid bilang paghahanda sa pagkain ng mga hayop o iba pang proseso.
Sa pag-aalaga ng hayop, kasama sa mga idineklarang mapanganib na gawain ang pangongolekta, pagkakarga at paghahakot ng pagkain ng hayop, pangangalaga ng mga malalaki at/o delikadong hayop, pangongolekta at pagtatapon ng mga patay na hayop, dumi ng hayop at iba pang waste material, pagbibigay ng vaccine at vitamin, at paghawak ng mga kemikal na gamit sa paglilinis ng mga kulungan ng hayop.
Hindi rin pinapayagan ang iba pang gawain na kinakailanga ng pag-kolekta, pagra-rantso, pagkuha ng gatas, at iba pang gawain tulad ng pagpapakete at pagproseso sa paggawa ng gatas at iba pang produkto, at pagdala mula sa bodega patungong palengke, at pagtatrabaho sa katayan ng hayop.
“Napipilitang pumasok sa delikadong trabaho ang mga kabatan upang makatulong sa maliit na kinikita ng pamilya. Dahil dito mahigpit na babantayan at susuriin ang kaligtasan at kalusugan sa paggawa ng mga kabataan,” ani Bello.
Ang kapakanan ng kabataan ang dapat isaalang-alang upang tiyakin na ang kanilang pagtatrabaho ay hindi magdudulot ng panganib sa kanilang buhay, kaligtasan, at kalusugan at hind magiging hadlang upang magkaroon ng normal na pamumuhay. (DOLE)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141484792147/filipino-news-ban-sa-pag-empleo-ng-kabataan-pinalawak-ng-dole#sthash.0DBbGgOw.dpuf

No comments