Upang mas maging maayos, mabilis at epektibo ang operasyon ng Lucena City Disaster Risk Reduction Management Council ay kinakailangan ang...
Upang mas maging maayos, mabilis at epektibo ang operasyon ng Lucena City Disaster Risk
Reduction Management Council ay kinakailangan ang pagkakaroon ng tamang budget para dito.
At sa isinagawang pagpupulong kamakailan ng mga miyembro ng komitiba ng LCDRRMC ay pormal ng inaprobahan ng mga ito ang kanilang budget para sa kasalukuyan taon.
Nagkakahalaga ang nasabing budget na mahigit sa 47 million pesos na kung saan ang 70% dito ay ilalaan para sa operations at 30% naman nito ay ilalaan sa Quick Response.
Mismong si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nag-aproba ng naturang budget bilang Chairman ng komitiba habang sinang-ayunan naman ito ng lahat ng mga miyembro nito.
Ilan sa mga miyembro ng komitibang ito ay ang City Budget Office, Accounting Office, CSWDO,
Agriculture, Pacific Mall Lucena, QMWD, ERT, BFP, PNP at marami pang iba.
Sa pag-aaproba ng budget na ito ay mas magiging mabilis epektibo at maayos ang paghahanda ng
LCDRRMC sa anumang kalamidad na maaaring tumama o dumating sa lungsod ng lucena maging sa pagkatapos nito. (PIO Lucena/J. Maceda)
No comments