Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Diskwento Caravan isinagawa ng DTI Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)- Isinagawa ng Department of Trade and Industry Batangas ang isang Diskwento Caravan sa Caedo Commercial Activity ...

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)- Isinagawa ng Department of Trade and Industry Batangas ang isang Diskwento Caravan sa Caedo Commercial Activity Center, Brgy. Calicanto sa lungsod na ito ngayong araw.

Ayon kay DTI OIC Provincial Director Marissa Argente, ang hakbang na ito ay bilang pagsunod sa kanilang mandato matapos ang pagkakadeklara ng lalawigan ng Batangas ng state of calamity noong Disyembre 27, 2016 dahil sa bagyong Nina.

“Ang Diskwento Caravan na ito ay hindi katulad ng mga dating caravan na ginagawa ng aming tanggapan na maraming mga kasaling merchandisers at suppliers sapagkat ito ay ginawa namin para sa kapakinabangan ng mga apektado ng bagyong Nina. Bagama't gusto naming dalhin ito sa mga lugar na lubhang naapektuhan tulad ng Isla Verde, Lobo at Tingloy ay nakita naming hindi kakayanin ng ahensya at ng aming local partner kaya dito na lamang sa Batangas City ginawa na malapit naman sa mga lugar na lubhang apektado.”, ani Argente.

Iba’t-ibang basic commodities ang mabibili sa caravan sa mas murang presyong pang-wholesale tulad ng kape, gatas, asukal, sabon, mantika, bigas, tinapay, bigas, noodles, de-lata at iba pang mga pangunahing kailangan ng mga tao.

Ang caravan ay isang araw lamang gagawin kaya’t inaasahan na tatangkilikin ito ng mga Batangueno. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/681484120250/diskwento-caravan-isinagawa-ng-dti-batangas#sthash.CDMsr3cQ.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.