Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DOLE sa mga employer: Sundin ang tamang pasahod sa Chinese New Year

MANILA - Hinikayat ni Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang ...

MANILA - Hinikayat ni Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang pasahod para sa Enero 28, 2017, Chinese New Year, na idineklara ng Malacañang bilang special (non-working) day.



Noong 16 Agosto 2016, idineklara ni Presidente Rodrigo R. Dutere ang 28 Enero, Chinese New Year, bilang special (non-working) day sa ilalim ng Proclamation No. 50, Series of 2016, “Declaring the Regular Holidays, Special (Non-Working Days, and Special Holiday (For All Schools) for the Year 2017”.



“Sa ating pagdiriwang ng Chinese New Year, nararapat lamang na ating sundin ang tamang pasahod para sa ating manggagawa sa pribadong sektor,” ani Bello.



“Ang pagtataguyod sa karapatan ng ating manggagawa sa pagsunod sa tamang pasahod at iba pang batas-paggawa ay magpapasigla sa ating manggagawa upang maging produktibo sa kanilang trabaho. Ang pagsunod sa batas-paggawa ay makakabuti sa ating negosyo, sa ating manggagawa, at sa ating lahat,” dagdag niya.



Ang tamang pasahod na dapat sundin para sa special (non-working) ay ang mga sumusunod:


Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang alituntuning “no work, no pay” ang dapat sundin, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa nasabing araw.


Kung ang empleyado ay nagtrabaho, siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho. Pagkukuwenta: [(Arawang Sahod x 130%) + COLA].


Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work), siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing oras. Pagkukuwenta: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).


Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makakatanggap ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras ng trabaho. Pagkukuwenta: [(Arawang kita x 150%) + COLA].


Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. Pagkukuwenta: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho). (DOLE)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141484313769/dole-sa-mga-employer-sundin-ang-tamang-pasahod-sa-chinese-new-year#sthash.lBi9TMS9.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.