Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DOST, naglaan ng pondo para sa tsunami at storm surge detection sensor sa Quezon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)- Ang Department of Science and Technology 4A ay naglaan ng pondo para sa proyektong paglalagay ng tsunami/...


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)- Ang Department of Science and Technology 4A ay naglaan ng pondo para sa proyektong paglalagay ng tsunami/storm surge detection sensors sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon.

Sinabi ni Provincial Civil Defense Coordinator Henry Buzar na kailangang magsumite ng project proposal sa DOST 4A ang mga lokal na pamahalaan o mga bayan partikular ang mga malapit sa tabing dagat kung saan nakalagay sa project proposal ang lugar na pagtatayuan ng tsunami/storm surge detection sensor.

Magkakaroon din ng memorandum of understanding na isusumite sa DOST na lalagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at DOST ang mga project proposal na maaaprubahan.

Sinabi pa ni Buzar na prayoridad sa paglalagay ng detection sensor ang mga ARMOR coastal municipalities sa lalawigan ng Quezon.

Ang tsunami/ storm surge detection sensor ang siyang magde-detect kung may tsunami at storm surge sa isang lugar upang makapaghanda rin ang mga local disaster risk reduction and management council at ng mga mamamayan ng Quezon. (GG/Ruel Orinday, PIA-Quezon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/701484891080/dost-naglaan-ng-pondo-para-sa-tsunami-at-storm-surge-detection-sensor-sa-quezon#sthash.7yv9DKIJ.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.