MANILA - Nagsanib puwersa na ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSW...
MANILA - Nagsanib puwersa na ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang masugpo ang child labor sa bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng ibat ibang programa na naglalayong maging child-labor-free and bansa sa 2025.
Sa temang “Makiisa para sa #1MBatangMalaya: We are one with the Children in Ending Child Labor,” layon ng nasabing programa ng masugpo na ang child labor sa bansa at maiangat ang kamalayan ng publiko kaugnay sa mapanganib na resultang dala ng problemang ito.
Ayon kay DOLE Undersecretary Joel B. Maglunsod, upang wakasan na ang child labor, kailangan ring maglunsad ng mga komprehensibong aksyon na tutulong sa mga magulang o guardian ng mga child laborers. Dinagdag pa niya na ang mga kabataan ang napipilitang mamasukan sa mapanganib at hindi akma sa kanilang trabaho para lamang makapagbigay ng kita at pagkain sa kani-kanilang pamilya.
“Ito ang dahilan kung bakit nagpapasalamat ang DOLE dahil hindi kami nag-iisa sa adhikaing ito. Malaking hamon sa amin na wakasan ang child labor na nangangailangan ng ibat ibang aksyon at pagtutulungan ng ibat ibang sangay ng pamahalaan, organisasyon, LGU, media, mga magulang, at maging ang mga kabataan mismo,” wika ni Maglunsod.
Kasama sa mga programang inilunsad ay ang CARING-Gold Project ng International Labor Organization (ILO) at BanToxics, na humihikayat na malutas ang problema sa child labor at linangin ang working condition sa mga ASGM Gold Mining; tulad ng The Strategic Help Desks for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions (SHIELD) laban sa Child Labor; at ang Module on Child Labor for the Family Development Sessions ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na programa naman ng DSWD.
Bilang chair agency ng National Child Labor Committee (NCLC), nanindigan ang DOLE na palalakasin pa nito ang kampanya laban sa child labor at ipagpapatuloy ang pagbibigay tulong sa iba pang inisyatibo ng mga katuwang nito sa pagpuksa sa child labor.
Kabilang sa mapanganib na uri ng child labor sa bansa ay ang pagkakalantad ng kabataan sa pisikal at psychological na pang-aabuso; sapilitang pagtatrabaho at commercial sexual exploitation kasama na rin ang pag-aalok ng hindi naaayong gawain partikular ang pagtutulak ng droga at produksyon nito.
“Sa kabila ng mga nagawang hakbangin laban sa child labor, patuloy tayong nagtatrabaho upang makamit ang adhikain na maging child-labor-free and bansa at makapagbigay ng malinaw na pag-unawa sa publiko hinggil sa problemang ito higit lalo sa mga mahihirap na Pilipino na siyang nalalantad sa panganib na maging child laborer,” dagdag pa ni Bello.
Batay sa the 2011 Survey sa kabataan ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroon na umanong 2.1 million child laborer sa bansa at patuloy na lumalakas ang panawagan sa pamahalaan at non-government organizations na magkaroon ng malinaw na aksyon upang masugpo ang child labor.
“Panahon na upang dagli tayong kumilos at tumugon sa laganap na problemang ito. Patuloy lamang darami ang naaabusong kabataan higit lalo ang mga child laborer na nalalantad sa tinatawag na “backbreaking and hazardous work”,” giit ni DSWD Director Ma. Alicia Bonoan.
Samantala, ang mga nasabing inisyatibo ay kasunod ng Philippine Program against Child Labor 2017-2022, na naglalayong mailigtas sa mapanganib na trabaho at child labor ang isang milyong kabataan at sa ilalim ng Sustainable Development Goals (SDG) na layong wakasan ang child labor at lahat ng uri nito sa taong 2025. (DOLE)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141484313919/filipino-news-dole-dswd-sanib-puwersa-laban-sa-child-labor#sthash.lk7XwMJp.dpuf

No comments