Ang buwan ng Enero ay isa sa pinakamahalaga sa lahat ng karamihan lalo na ang may mga Business, dahil sa ito rin ang pagbabayad ng kanilang...
Ang buwan ng Enero ay isa sa pinakamahalaga sa lahat ng karamihan lalo na ang may mga Business, dahil sa ito rin ang pagbabayad ng kanilang mga buwis.
At hindi rin inaasahan na may mga kritiko na kahit maganda ang ginagawang pagtatrabaho ng ating Business Permit and Licensing Office ay nariyan pa rin may bumabatikos.
Kaya naman sa ilang pananalita ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala noong nakaraang lunes sa ginanap na flag raising ceremony ay inatasan nito ang tanggapan ng BPLO sa Pangunguna ng Hepe nito na si Julie Fernandez na ipagpatuloy lamang ang kanilang pagtatrabaho.
Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, kung ano ang ibinabatong batikos sa kanilang tanggapan ay huwag pansinin, basta’t tama ang ginagawa nila.
Sinabi pa ng Alkalde, hindi aniyang mag-operate ang City Government kung wala ang mga taxes dahil ito umano ang life blood ng gobyerno.
Ayon pa rin Kay Mayor Dondon Alcala, ang pinakamaganda ay hindi nagtatasa ng mataas na buwis at kung magtaas man ay ibinababang muli.
Dagdag pa ng punong lungsod na hindi nagbibigay ang tinatawag na additional taxes bagkus ay ibinibigay at ang kinakailangan lang na maging effective and efficient ang tax Collection.
Samantalang buo naman ang suporta ni Mayor Alcala sa opisina ng BPLO at nagbigay naman ito ng tagubilin sa Hepe nito na kausapin ang lahat ng kaniyang empleyado at sabihan ang mga ito na bawal ang pagtanggap ng kahit anong bagay mula sa mga Business Stablishment. (PIO Lucena/J. Maceda)
No comments