Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Manggagawa, makikinabang sa pagtaas ng SSS pensiyon, sabi ng DOLE

Nagpahayag ng suporta si Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) ng aprobahan ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pagta...

Nagpahayag ng suporta si Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) ng aprobahan ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pagtataas ng pensiyon ng Social Security System (SSS). Kanyang sinabi na ang karagdagang halaga ay nararapat na insentibo sa paglilingkod na ibinigay ng dalawang milyong pensiyonado.



Sinabi ni Bello na ang karagdagang kontribusyon ng manggagawa sa SSS, ay dapat ituring na ipon, sa halip na gastos.



Ipatutupad ngayong Mayo ng taong ito ang 1.5 porsiyentong pagtaas sa kontribusyon o 12.5 porsiyento mula sa kasalukuyang 11 porsiyento. Ito ay mangangahulugan na karagdagang kontribusyon sa pagitan ng P15 hanggang P740, at pantay na paghahatian ng employer at empleyado.



“Kailangan nating isipin na makakatanggap ng benepisyong pangkagalingan at pribilehiyong makautang ang miyembro ng SSS na aktibong nagbabayad, ” ani Bello



Ang SSS ay magtatakda ng nararapat na hakbangin upang tiyakin na masusustena ang pondo, kasama na ang aksyong-legal sa mga hindi nagbabayad ng kontribusyon, at ehekutibong pangangasiwa sa pagpapalakas ng koleksiyon.



Sinabi ni Bello na patuloy na ipatutupad ng DOLE ang mahigpit na implementasyon ng Labor Laws Compliance System (LLCS), tulad ng pagbabantay sa mga establisyamento sa pagsunod ng mga itinakdang benepisyong pangkagalingan, partikular na ang pagbabayad at pagre-remit ng SSS, PhilHealth at Pag-ibig.



“Ito ay isang paraan upang tiyakin na napapangalagaan at napoprotektahan ang karapatan ng ating manggagawa. Ito rin ay legal at moral na responsibilidad ng mga employer sa kanilang mga empleyado,” aniya.



Maliban sa pagsusuri ng pagsunod ng mga establisyamento sa General Labor Standards (GLS), tinitingnan din ng mga DOLE regional office kung ipinatutupad ng mga employer ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) at iba pang naaayong batas-paggawa at panukala. Sakop nito ang tamang pasahod, oras ng paggawa at iba pang mga benepisyo gayundin ang mga pamantayan sa kondisyon sa paggawa, kinakailangang personal protective equipment (PPE) at programang pangkalusugan, at iba pang naaayong batas ukol sa ligtas at malusog na manggagawa.



Tinitingnan din ng LLCS ang pagtupad sa mga karapatan ng manggagawa at pangunahing pamantayan para sa disenteng trabaho tulad ng pagbibigay ng minimum na sahod, overtime pay, holiday pay, night shift differential pay, service incentive leave pay, 13th month pay at iba pang benepisyo na iniaatas ng batas.



Sa kabilang banda, ang OSHS naman ang tumitingin sa mga establisyamento kung ito ay naka-rehistro sa DOLE. Ito rin ang tumitiyak sa kaligtasan at kalusugan ng manggagawa, tulad ng paggamit ng personal protective equipment, pagtatatag ng safety and health committee, at pagsusumite ng administrative report. (DOLE)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141484575496/filipino-news-manggagawa-makikinabang-sa-pagtaas-ng-sss-pensiyon-sabi-ng-dole#sthash.c5NPBc86.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.