Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Multistakeholders' Briefing isinagawa ng DTI Calabarzon

by Bhaby P. De Castro LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)- Binigyang-diin sa isinagawang Multistakeholders’ Briefing ng Department of Trade and Indu...

by Bhaby P. De Castro

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)- Binigyang-diin sa isinagawang Multistakeholders’ Briefing ng Department of Trade and Industry Calabarzon ang kahalagahan na mapabilang sa international market ang mga produkto ng Pilipinas. Ito ay isinagawa sa Crowne Plaza Hotel noong Enero 18.

Sa isinagawang Asian Economic Community and Philippines-Europe Strategy on Gaining International Markets for MSMEs, sinabi ni Director Senen Perlada ng Export Marketing Bureau na ang konsepto ng regional integration ay globalization.

“Mahalaga na maintindihan ang pakikilahok sa global value chain (GVCs) lalo na at nakikibahagi ang Pilipinas sa free trade agreements (FTAs) kung saan nagkakaroon ng competitiveness, naii-promote ang mga bansang kabilang dito, dumarami ang investments, nagkakaroon ng parehong suporta sa mga isyu at nakikinabang ang mga kunsumidores. May pitong FTAs ang kinabibilangan ng Pilipinas at anim dito ay kabilang ang ASEAN.”, ani Perlada.

Ayon naman kay DTI Calabarzon Regional Director Marilou Toledo, mahalagang maintindihan ng mga tao ang international trade at ang kaalaman ukol sa oportunidad na maaaring buksan at ibigay nito sa mga mamumuhunan tulad ng mga micro-small and medium enterprises.

Sinabi naman ni Dr. Florian Albiuro, Team Leader at Key Expert ng European Union-Trade Related Technical Assistance III Project na mahalaga ring maunawaan ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng access sa international market sapagkat ito ay magbibigay ng oportunidad para sa pagbabago.

Aniya, upang makilala tayo sa buong mundo kailangan nating maging bukas at matuto sa ibang mga bansa tulad ng kanilang mga teknolohiya at pagsasaayos ng kalidad ng produkto o serbisyo upang maging globally competitive ito.

“Isa sa mahalagang dapat bigyang pansin ay ang pagsisikap natin sa maayos na kalidad,sapagkat iyan ang mabilis na makakapagbigay sa atin ng access sa international market,” dagdag pa ni Alburo.

Binigyang-diin naman ni DTI Undersecretary Regional Operations Group Zenaida Maglaya ang kahalagahan ng branding program upang mas ma-upgrade ang pagbebenta ng produkto at mas maging kaakit-akit ito sa merkado lalo na sa ibang mga bansa kaakibat ng pagpapatibay ng kalidad nito.

Samantala, nagbahagi naman ng kanilang mga karanasan ang ilang mga MSME’s kung paano nila nagawang makipagtunggali globally at unti-unti ay makapasok ang kanilang mga produkto sa international markets. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/631484901933/multistakeholders-briefing-isinagawa-ng-dti-calabarzon#sthash.mVlh3qhp.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.