Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga kagamitan mula sa DoH, ipinamahagi sa mga kapitan ng lungsod

Upang matulungan ang ilang mga kababayan na may sakit sa diabetes at hypertension, ilang mga kagamitan ang ipinamahagi ng Department of Hea...

Upang matulungan ang ilang mga kababayan na may sakit sa diabetes at hypertension, ilang mga kagamitan ang ipinamahagi ng Department of Health sa mga kapitan ng barangay sa Lucena.

Ginanap ang pamamahaging ito sa isinagawang flag raising ceremony kamakailan na kung saan ay pinagnunahan ito ng City Health Office, sa ilalim ng pamumuno ni Dra. Jocelyn Chua.
Ilan sa mga kagamitang ito ay ang glucometer, na isang aparato upang sukatin ang asukal sa katawan ng tao, stretcher o patient lifter, jerrycans, at ilang mga gamut.
Personal na ipinagkaloob nina Dra. Chua, kasama sina Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Vice Mayor Philip Castillo, Councilors Nilo Villapando, Atty. Boyet Alejandrino at Vic Paulo ang mga kagamitang ito sa iba’t-ibang kapitan ng barangay sa lungsod.
Samantala sa naging pananalita naman ni Dra. Joy Chua, sinabi nito na magtatayo ang kanilang tanggapan ng tinatawag na diabetes and hypertension club ngayon buwan sa 33 barangay sa Lucena.
Ayon pa sa doktora, layon nito na alagaan ang lahat ng mga residente ng bawat barangay na mayroong sakit na diabetes at high blood.
Nanawagan rin si Dra. Chua sa mga kapitan na ilista na ang mga kabarangay nilang mayroon ng nasabing sakit upang mabisita at matingnan ng mga tauhan ng City Health Office.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, pinsalamatan nito ang city health officer na si Dra. Chua sa pagbibigay nito ng mga nasabing kagamitan sa iba’t-ibang kapitan ng barangay sa Lucena.
Ang pamimigay na ito ng naturang mga kagamitan, na nagmula sa nasyunal na pamahalaan, ay bilang pagtulong sa lahat ng mga residente ng lungsod na mayroong sakit na diabetes at high blood.
Sa pamamagitan rin ng mga kagamitang ito, hindi na kinakailangan pa ng mga Lucenahing mayroong nasabing sakit na magtungo pa sa opisina ng City Health Office dahil sa kanilang barangay helath center pa lamang ay maari na ang mga itong magpatingin at mabigyan ng gamot. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.