Labor Secretary Silvestre H. Bello III (Photo Courtesy of untvradio.com) MANILA - Nagpadala si Labor Secretary Silvestre H. Bello III ...
Labor Secretary Silvestre H. Bello III (Photo Courtesy of untvradio.com) |
“Agad kong iniutos na alamin kung tumutupad o hindi ang HTI sa mga patakaran sa paggawa at tingnan kung anong kinakailangang tulong ang ating maaaring ibigay,” ani Bello.
Inatasan din ang Employees Compensation Commission (ECC) Regional Extension Unit sa Region 4-A na alamin ang pangangailangan ng lahat ng empleyado ng HTI na biktima ng sunog.
Ang HTI ay isang manufacturing company na may 10,982 manggagawa. Sa bilang na ito, 4,263 ang direktang nagtatrabaho sa kompanya at 6,629 ay sa ilalim ng limang iba’t ibang contractor.
Batay sa inisyal na ulat mula kay Dir. Teresita Cucueco ng Bureau of Working Conditions (BWC), sinabi ni Bello na 30 manggagawa ang nasaktan samantalang tatlo ang hindi pa natatagpuan.
Ayon kay Bello, magsasagawa ng pagsisiyasat ang BWC, Occupational Safety and Health Center, at ang DOLE RO4-A sa nangyaring insidente kapag tuluyan nang naapula ang sunog at matapos magsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Kanyang idinagdag na nangako ang pamunuan ng HTI ng kanilang kooperasyon at tulong sa mga apektadong manggagawa.
“Maliban sa pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga naospital na manggagawa, nangako din ang pamunuan ng HTI na itatalaga sa ibang lugar ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho dahil sa nangyaring sunog,” ani Bello.
Idinagdag ni Bello na makakatanggap ang mga biktimang naospital ng medical o hospital benefit at sickness benefit ng hanggang 120 araw na may P200 kada araw na bayad. Makakatanggap din ng libreng rehabilitasyon ang mga nasaktan.
Naghanda rin ang ECC ng tulong-pangkabuhayan at pagsasanay sa mga manggagawang hindi na maaring makabalik sa kanilang trabaho. Agad ding ipo-proseso ng ECC ang ECC pension o lump sum compensation sa mga manggagawang nabaldado dulot ng trahedya. (DOLE)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141486217019/filipino-news-iniutos-ni-bello-pagsusuri-sa-hti-tiniyak-tulong-sa-mga-biktima-ng-sunog#sthash.lCHMcjuh.dpuf
No comments