Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Labor dispute sa Lapanday Food Corp., naresolba ng DOLE RCMB-12; 16 manggagawa na-reinstate

MANILA - Naresolba na ng DOLE Regional Conciliation and Mediation Board (RCMB)-12 ang labor dispute sa pagitan ng Lapanday Foods Corporatio...

MANILA - Naresolba na ng DOLE Regional Conciliation and Mediation Board (RCMB)-12 ang labor dispute sa pagitan ng Lapanday Foods Corporation at Mindanao Independent Labor Union of Lapanday (MILUL), na nagresulta sa pagkaka-reinstate ng 16 na manggagawa sa General Santos, ayon sa ulat ni National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Executive Director Shirley Pascual kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.



“Nagagalak ako dahil muli ang mas pinalakas na conciliation process ng DOLE RCMB ay nagresulta sa pagkakaresolba ng hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig na maaari pang umabot sa mas hindi kaaya ayang kaganapan sa pagitan ng kompanya at mga manggagawa,” wika ni Pascual.



Batay rin sa ulat ni Pascual, ang MILUL ay nagsumite ng preventive mediation case laban sa Lapanday Foods Corporation dahil sa di umano’y hindi patas na labor practice.



Ang Lapanday Food Corporation ay matatagpuan sa Arakan Valley, North Cotabato. Ito rin ang isa sa pangunahing producer at exporter ng produktong pang-agrikultura sa Pilipinas.



Ang Mindanao Independent Labor Union of Lapanday (MILUL) ay ang kinikilalang kinatawang ahente ng mga rank-and-file na manggagawa na nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap sa Lapanday Foods Corporation (LFC). Mayroong kabuuang 280 na miyembro ang MILUL at kinakatawan ni Ronilo A. Lumayon, pangulo ng unyon.



Sinabi pa ni Pascual na una nang nag-file ang unyon ng Request for Assistance (RFA) sa pamamagitan ng RCMB 12-North Cotabato field office noong Disyembre 16, 2016. Gayunman, ito ay nailipat sa RCMB 12-Koronadal City field office bilang isang preventive mediation case noong Enero 9, 2017 matapos na magkasundo ang kumpanya at unyon sa paglulunsad ng conciliation conference sa Bayan ng Kidapawan kung saan rin matatagpuan ang korporasyon sa Arakan Valley.



Ang reklamong isinumite ng unyon laban sa kumpanya ay dahil sa umano’y hindi pagpapasuweldo, hindi pagbibigay ng service incentive leave (SIL), holiday pay, at iligal na pagtanggal sa 16 na miyembro ng unyon.



Matapos ang isinagawang conciliation conference noong Enero 25, tuwiran ng nagkasundo ang management at unyon na resolbahin na ang kaso maging ang implementasyon ng reinstatement sa 16 na natanggal na manggagawa.



Nagkasundo na rin ang magkabilang partido na patuloy na mag-uusap at reresolbahin ang mga isyu kaugnay sa paggawa sa ‘company level’.(DOLE)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/1141486566803/filipino-news-labor-dispute-sa-lapanday-food-corp-naresolba-ng-dole-rcmb-12-16-manggagawa-na-reinstate#sthash.QaGgr5Lc.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.