Tinatayang mahigit sa 160 mga estudyante ang dumalo sa isang seminar na isinagawa ng Emergency and Response Team ng Lucena kamakailan. Gin...
Tinatayang mahigit sa 160 mga estudyante ang dumalo sa isang seminar na isinagawa ng Emergency and Response Team ng Lucena kamakailan.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa opisina ng Lucena Disaster Risk Reduction Management na kung saan ay nagmula naman ang ARK Technological School, na dating Infomatics.
Dito ay tinuruan ang mga nasabing estudyante ng first aid at basic life support ng naturang grupo na pinagnunahan ni Sir Patrick Miguel Palacio.
Isa rin sa tinalakay sa seminar na ito ay ang tungkol sa anti-bullying at illegal drugs na kung saan ang naging speaker ditto ay ang OIC ng City Social Welfare and Development Office na si Lourdes
Maralit at ilang tauhan ng Lucena City PNP.
Ayon naman kay Christian paul Alcala, isa sa mga miyembro ng ERT Lucena, marami na silang isinagawang ganitong uri ng seminar ngunit ito ang pinakauna para sa taong 2017 at masusundan pa niya ito ng marami pang mga seminar.
Umaasa naman ang mga miyembro ng ERT na magagamit ng mga estudyanteng ito ang kanilang natutunan lalo’t higit sa oras ng pangangailangan.
Ang seminar na nabanggit ay naisakatuparan dahil na rin sa inisyatibo nina Artchie Traviño at Jorge Lopez Jr. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments