Ang pinasinayahang bagong City Hall o Lucena City Government Complex sa Barangay Kanluran Mayao sa lungsod ng Lucena noong Marso 17,...
Ang pinasinayahang bagong City Hall o Lucena City Government Complex sa Barangay Kanluran Mayao sa lungsod ng Lucena noong Marso 17, 2017. (Photo courtesy of Arnel Avila) |
Sa pasinaya, sinabi ni mayor Alcala na maituturing na pinakamaganda at pinakamalaki ang bagong city hall ng lungsod sa buong lalawigan ng Quezon kung saan ay mas magiging kumbinyente aniya ang mga kliyente ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang panglungsod.
“Hindi na mahihirapan ang mga mamamayan ng lungsod ng Lucena sa pag-aasikaso ng kanilang mga papeles sapagkat halos lahat ng tanggapan ng pamahalaang panglungsod ay matatagpuan na sa bagong city hall at hindi katulad ng dati na hiwa-hiwalay ang mga tanggapan at ngayon ay pinag-isa na lamang sa malaking gusali o tinatawag na ‘one stop shop”, ayon pa sa alkalde. Binanggit din ng alkalde ang natapos na proyektong public market na mas malaki at maaayos para sa kapakanan ng mga taga lungsod ng Lucena at mga karatig bayan nito partikular yaong mga magtitinda at mamimili gayundin ang pagpapatupad ng proyektong pabahay para sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod.
Plano rin ng pamahalaang panglungsod ang pagpapatupad ng proyektong sanitary landfill at eco-park, sabi pa ng alkalde sa idinaos na pagpapasinaya ng bagong city hall.
Samantala, binati naman ni Sec. Aguirre ang mga opisyal o taong tumulong upang maisakatuparan ang pagtatayo ng bagong Lucena City government complex. Aniya, tutulong din siya sa pagpagpapatupad sa mga pagawaing bayan sa lungsod ng Lucena partikular sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa lungsod sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon sa Department of Public Works and Highways. (DPWH). (PIA-Quezon)
No comments