Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong OIC-Provincial Director ng TESDA-Quezon, itinalaga

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -  Itinalaga rito bilang bagong OIC-Provincial Pirector ng  Technical Education and Skills Development Authority ...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -  Itinalaga rito bilang bagong OIC-Provincial Pirector ng  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-Quezon) si  Ava Heidi V.  dela Torre mula nang lagdaan ni TESDA Director General  Secretary  Guiling  “Gene” Mamondiong  ang appointment ni dela Torre noong  Enero 3.

‘Aksyon agad’ ang naging tema ni ng bagong TESDA OIC Provincial Director mula sa lalawigan ng Cavite  kung saan ay nakipag-ugnayan agad siya  sa mga kinatawan ng apat na distrito ng lalawigan ng Quezon kagaya nina Rep. Trina Enverga ng unang distrito; Rep.  Danilo Suarez ng ikatlong distrito;  Rep. Helen Tan ng ika-apat na distrito gayundin sa mga punong bayan sa sa Quezon at mga pinuno ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang ipaliwanag ang  ang mga programa ng bagong administrasyon  tungkol sa  mga pagsasanay teknikal  sa mga barangay. Ayon kay Engr. Racy Gesmundo,  supervising technical  education  specialist  ng TESDA-Quezon, nagtungo rin ang bagong pinuno ng TESDA-Quezon sa  bayan ng Perez, Quezon   at dumalo sa  isang pagtatapos  ng pagsasanay teknikal  sa ‘beauty care” ng  may 60 mag-aaral at 74 mag-aaral   na nagsanay  sa ‘bread and pastry production sa  ilalim ng  Bottom Up Budgeting.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng mga mag-aaral, nanawagan siya sa mga estudyanteng na pag-ibayuhin ang mga natutunang mga kasanayan upang makatulong  sa kanilang sarili, sa pamilya   at maging sa komunidad. Binigyan ng TESDA-Quezon ng certificate of compentency ang mga mag-aaral na nagsipagtapos matapos makapasa sa bawa’t competency.   Ang pagpapatupad ng mga nasabing programa ay naaayon  sa 17 point agenda ni kalihim Mamondiong at alinsunod din sa layunin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (GG/Ruel Orinday/PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.