LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dinaluhan ng may 13 benepisyaryo mula sa Rural Improvement Club (RIC) ng ikaapat na Distrito ang idinaos na pa...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Dinaluhan ng may 13 benepisyaryo mula sa Rural Improvement Club (RIC) ng ikaapat na Distrito ang idinaos na pagsasanay ukol sa food processing at wastong pamamalakad ng food cart sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) at sa suporta ni Gob. David C. Suarez sa OPA Food Processing Center sa lungsod na ito kamakailan.
Layunin nito na malinang ang kaalaman ng mga benepisyaryo ukol sa mga masusustansyang pagkain na maaari nitong ibenta sa merkado gayundin upang maibahagi ang ilan sa mga puntos na dapat isaalang-alang sa pamamalakad ng isang negosyo.
Tinalakay ng tagapagsanay na si Gng. Marianita V. Bunyi, Tagapamahala ng Food Processing at Livelihood Center ng OPA, ang iba’t-ibang paksa ukol sa wastong pamamalakad ng isang negosyo, gaya ng Good Manufacturing Practices (GMP), Hazard Analysis and Critical Control Point (HACCP), kahalagahan ng food packaging at food costing. (R. Orinday, PIA-Quezon may ulat mula sa OPA Info. Unit / Quezon - PIO)
No comments