May 25 OFWs ang iligal na namamalagi sa Saudi Arabia ang nakabalik ng Maynila nitong Martes at agad na nakatanggap ng tulong mula sa Overse...
May 25 OFWs ang iligal na namamalagi sa Saudi Arabia ang nakabalik ng Maynila nitong Martes at agad na nakatanggap ng tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Binigyan ang unang grupo ng mga umuwing OFW ng airport assistance, pscyho-social counseling/stress debriefing at medical referral matapos nilang tanggapin ang amnestiya mula sa Kingdom of Saudi Arabia. Binigyan din ng OWWA ang 25 OFWs ng pansamantalang matitirhan sa OWWA halfway home habang isinasaayos pa ang kanilang transportasyon pauwi sa kani-kanilang probinsiya. Ang 25 Filipinong migranteng manggagawa ay bahagi ng unang grupo sa inaasahang 5,000 OFW na sumailalim sa 90-araw na amnestiya ng pamahalaang Saudi.
“Pinangasiwaan ng mga opisyal ng Philippine Embassy at Philippine Overseas Labor Office ang pag-proseso sa pag-rehistro at pag-dokumento sa mga OFW bago sina nabigyan ng travel exit. Matapos nito, ang OWWA Manila naman ang umalalay sa kanila mula sa airport patungo sa kani-kanilang destinasyon,” ani OWWA Officer-in-Charge Josefino I. Torres.
Maliban sa nabanggit na tulong, kanya ring pinahayag na nakahanda ang labor department, sa pamamagitan ng programang Assist WELL (Welfare, Employment, Legal and Livelihood), upang magbigay tulong para sa posibleng trabaho dito o sa ibang bansa, tulong-pangkabuhayan, serbisyong legal, competency assessment at training assistance sa mga umuwing OFWs. Sa kabilang banda, ang mga umuwing OFW na miyembro ng OWWA ay nakatanggap ng non-cash livelihood package na nagkakahalaga ng P10,000 na may kasamang starter kit sa ilalim ng Balik-Pinas! Balik-Hanapbuhay! Program ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO).
Samantala, isinangguni naman ang mga OFW na hindi miyembro ng OWWA para sa parehong programa at nakatanggap ng non-cash livelihood training para sa mga hindi dokumentadong OFWs. (DOLE)

No comments