Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

3,000 miyembro ng KALIPI, dumalo sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan

May 3,000 kababaihan na pawang miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon ang duma...

May 3,000 kababaihan na pawang miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon ang dumalo sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa Quezon Convention Center sa lungsod na ito noong Marso 31.

Ang tema ng pagdiriwang ay “We Make Change Work for Women” na pinangunahan nina Gob. David C. Suarez sa pakikipagtulungan ni Alona Partylist Representative, Anna Marie V. Suarez, dating Congresswoman Aleta C. Suarez at mga board members ng iba’t-ibang distrito ng lalawigan.

Naging panauhing tagapagsalita sa okasyon si Senator Cynthia Villar.

“I would like to commend your provincial, local and barangay officials for putting this event together for the women of the province. Bago kasi natin ma-empower ang mga kababaihan, kailangan muna natin silang protektahan sa iba’t-ibang banta sa kanilang pagkatao o pagkababae, kabuhayan, kaligtasan at iba pang aspeto ng kanilang buhay. We can empower ourselves, we can enable change. And most of all, we can make that change work for women.” Sabi pa ng senadora.

Ibinida rin ni Villar ang kanyang proyekto na Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o Villar SIPAG livelihood project na nagbigay ng libreng puhunan at direktang benepisyo sa mga nangangailangan gamit ang mga raw materials para sa livelihood enterprises gaya ng; waterliliy basket-weaving enterprise, handmade paper factory, coconut-weaving enterprise, charcoal making factory, organic composting facility at recycling factory na gumagawa ng mga upuan para sa mga paaralan mula sa plastic at ipinamimigay ng libre sa mga pampublikong paaralan. Sa mga programang ito naniniwala ang senadora na higit niyang matutulungan hindi lamang ang mga kababaihan, gayon na rin ang bawat pamilya at ang bawat henerasyon ng mamamayan. “Bilang public servant at bilang isang babae, pursigido ako na tumulong sa mga kababaihan. I find that there is no better way to use my influence than to help my fellow women and their families. It is one of the most effective ways of making a positive difference in the society from the family to the community, and the country. Sino-sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tay-tayo rin.” pagtatapos na pananalita ni Villar.

Matapos nito ay ginawaran naman ng pagkilala ang ilan sa mga natatanging lungsod at munisipalidad ng lalawigan para sa Search for Outstanding City / Municipal GAD Focal Point System (C/MGADFPS) para sa taong 2016. Ilan sa mga parangal na natanggap ng mga bayan ay ang Hall of Fame Award na pinanalunan ng bayan ng Tayabas, Sampaloc at Panukulan. Panalo naman sa Outstanding C/MGADFPS ang munisipalidad ng Mauban, San Narciso, Unisan, Agdangan, Pagbilao, General Luna, Candelaria at Pitogo. Nag-uwi naman ng mga special awards ang bayan ng Mauban, Candelaria, Pagbilao, San Narciso at Agdangan.

Samantala, ibinahagi naman ni Alona Partylist Representative, Congw. Anna Marie V. Suarez ang ilan sa mga naipatupad na programa ng Alona Partylist sa loob ng siyam na buwan sa kongreso. Gayundin ay ibinahagi ng konggresista ang tatlong mahahalagang aral na kanyang natutunan sa loob ng 90 day campaign period na pinagdaanan niya, ang kahalagahan ng pamilya, kahalagahan ng suporta ng kababaihan at ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili bilang isang babae. Ipinagmalaki rin niya ang Food Cart ni Juana para sa mga kababaihan at ang Q1K Program sa lalawigan. Kinilala rin ng kongresista ang ilan sa mga ordinaryong kababaihan na may mga ekstra-ordinaryong kwento bilang babae at ina. “When you educate a woman, you educate a nation. Mas may kakayanan siyang turuan ang mga anak at pag-aralin ito dahil alam niya ang importansya ng edukasyon. Hindi tayo aahon sa kahirapan kung hindi natin ito bibigyan ng pansin. ” ayon kay Congw. Suarez. Dagdag pa rito, nagbigay rin ng saloobin ukol sa selebrasyon para sa mga kababaihan ang ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez. Lubos na ikinatuwa ng gobernador ang unti-unting paglaki ng samahan ng KALIPI. Ipinagmalaki rin niya ang tagumpay na tinatamasa ngayon ng programang Q1K sa lalawigan. “Tunay na ipinaglalaban ng Q1K ang susunod na henerasyon. Ang mga ilaw ng tahanan ang higit na makikinabang sa programang ito.” ayon kay Gob. Suarez. “Ang celebration ng kababaihan sa atin ay hindi pang-isang buwan lang. Ang selebrasyon ng kababaihan sa lalawigan ng Quezon ay 365 days na ipinatutupad.

(RMO,PIA- Quezon may ulat mula sa Quezon PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.