SARIAYA, Quezon (PIA)- Pormal na ipinagkaloob nitong Abril 6 sa barangay Guisguis sa bayang ito ng Department of Social Welfare and Deve...
SARIAYA, Quezon (PIA)- Pormal na ipinagkaloob nitong Abril 6 sa barangay Guisguis sa bayang ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 4-A ang 50 fiber glass motor boat sa may 50 katao na pawang mga mangingisda at benipisyaryo ng Pantawid pamilya Pilipino program ng DSWD.
Ayon kay Levy Aderes ng DSWD-4A-Lucena City extension office, ginawa sa loob ng sampung araw ang mga fiberglass boat sa tulong ng mga mangingisdang nagsanay sa paggawa mula sa bayan ng Atimonan.
Sinabi pa ni Aderes na ang ng mga mangingisda sa bayan ng Sariaya ay dumaan muna sa pagsasanay sa paggawa ng fiberglass motor boat hanggang sa sila na ang gumawa ng mga bangkang pangisda at nang matapos ay ipinagkaloob din sa kanila ng DSWD noong Abril 6.
Ang programa ay ipinatupad ng DSWD-4A sa ilalim ng programang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD-4A at ito ay base rin sa pangangailangan ng mga mangingisda sa bayan ng Sariaya.
Matatandaan na ipinatupad rin ng DSWD-4A ang katulad na programa sa bayan ng Atimonan kung saan ay tumanggap din ng fiberglass motor boat ang mga mangingisda. (Ruel Orinday,PIA-Quezon)

No comments