Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Dalawang pawikan sa Brgy. Talao-Talao, pinakawalan

Isa sa itinuturing na endangered species sa bansa ay ang mga pawikan o Green Sea Turtle at ito ay ipinagbabawal na hulihin o alagaan. K...

Isa sa itinuturing na endangered species sa bansa ay ang mga pawikan o Green Sea Turtle at ito ay ipinagbabawal na hulihin o alagaan.

Kaugnay nito, ilan sa mga ito ang natagpuan at nailigtas ng mga residente sa Brgy. Talao-Talao kasama ang kanilang kapitan na si Reil Briones sa kanilang lugar kamakailan.

Ang mga nabanggit na pawikan ay natagpuan sa bahagi ng mga puno ng bakawan ilang metro ang layo sa dalampasigan ng naturang barangay. Matapos na matagpuan ng mga residente ang nasabing hayop ay agad nilang ipinagbigay alam ito kay Chairman Briones na agad naman tinungo at ipinagbigay alam rin sa mga tauhan naman ng City Agriculture Office.Napag-alaman na ang mga nasagip na pawikan ay isang uri ng Green Sea Turtle na ayon rin sa ilang mga tauhan ng City Agriculture Office ay may mga ilan-ilan na rin silang mga pawikan ang nailigtas sa nasabing lugar. At matapos na mailigtas at matiyak na nasa maayos at mabuting kalalagayan ang mga pawikang ito, ay isinagawa naman ang pagpapakawala dito.

Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama sina Chairman Reil Briones, City Agriculturist Officer Mellissa Letargo at mga tauhan mula sa Maritime Police, DENR-CENRO, Tanggol Kalikasan at Bantay Dagat ang nasabing aktibidad na nabanggit. Ang mga pawikang pinakawalan ay isang babae na may lapad na 58 centimeters at habang 58 centimeters habang ang lalaking pawikan naman ay may lapad na 55 centimeters at laking 60 centimeters.Nilagyan rin ang mga ito ng tag na kung saan ay ibig sabihin nito na nakatala na ito sa City Agriculture Office upang malaman na sakaling muli itong mahuli ay madali na itong malalaman ang mga kinakailangang detalye ng mga ito. (PIO Lucena/ E. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.