Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DOLE, naglunsad ng job at livelihood fair para sa mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi

Muling nabigyan ng pagkakataon na makahanap ng trabaho at makapagtayo ng sariling kabuhayan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na na...

Muling nabigyan ng pagkakataon na makahanap ng trabaho at makapagtayo ng sariling kabuhayan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia sa isinagawang Job and Livelihood Fair for OFWs ng Department of Labor and Employment (DOLE) - Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Mahigit 10,000 overseas at 2,000 local job vacancies ang inialok sa daan-daang aplikante na lumahok sa job and livelihood fair na tinawag na “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan for OFWs and Families” sa Occupational Safety and Health Center noong March 28, 2017.
“Ang job and livelihood fair na ito ay bahagi ng ating pagtulong sa mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi. Ang DOLE, kasama ang OWWA, NRCO, POEA ay laging handa na maghatid ng tulong na kanilang kinakailangan habang naghihintay ng kanilang sahod at separation pay dahil karamihan sa kanila ay walang pansamantalang trabaho at kailangan nilang suportahan ang kanilang pamilya,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III. Base sa tala ng OWWA, may kabuuang 23 aplikante ang na hired-on-the-spot (HOTS) sa ginanap na job fair.
Ang mga job vacancies na iniaalok ay nabibilang sa industriya ng construction at maintenance kung saan karamihan sa mga aplikante ay mayroon nang sapat na karanasan at kasanayan sa nasabing industriya.
“Nagbakasakali lang ako na muling mag-apply abroad since April 2016 pa ako walang trabaho dahil nagsara ‘yung company na pinapasukan ko sa Saudi. Natutuwa ako dahil natanggap ako,” pahayag ni Ferdinand Cruz, isa sa mga na hired-on-the-spot sa job fair bilang equipment operator sa Qatar.
Naghatid rin ang TNK ng financial literacy at livelihood sessions sa franchising at agribusiness sa mga nakilahok na OFWs na nagnanais na makapagtayo ng sariling kabuhayan at manatili sa bansa. Ang nasabing job at livelihood fair ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng OWWA, POEA, Bureau of Local Employment, DOLE-NCR, at ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO). (DOLE) 

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.