LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang matiyak na walang mga kontrabando at iba pang mga iligal na kagamitan ang naipapasok sa City District Ja...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Upang matiyak na walang mga kontrabando at iba pang mga iligal na kagamitan ang naipapasok sa City District Jail ay patuloy na isinasagawa ang tinatawag na weekly greyhound ng mga opisyales ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Lucena kasama ang SWAT Team ng lungsod.
Sa naging pahayag ni Jail Chief Inspector Desiree Jamadron ang kasalukuyang namumuno sa BJMP ng lungsod sa isinagawang flag ceremony ng local na pamahalaan noong Lunes ay kada linggo ay nagsasagawa sila ng greyhound o pag-galugad sa mga selda dito upang makatiyak na walang materyales na makakasakit sa mga nandito ang naipapasok dito.
Iniimbitahan din nila ang ilang mga kinatawan ng SWAT Team ng lungsod upang sila ay matulungan at masubaybayan ang particular na hakbangin na ito ng pamunuan ng nasabing tanggapan.
Bunsod din ito ng mas pinaigting na kampanya ng nasyunal na pamahalaan hinggil sa pagbabawal na pagpasok ng ilang mga bagay na nagagamit sa mga iligal na gawain kagaya ng cellphone at iba pang mga mobile devices gayundin ang ipinagbabawal na gamot.
Ang pagsasagawa ng weekly greyhound na ito sa mga selda ng nasabing piitan ay bilang pagtugon ng naturang tanggapan sa pangunguna ni Jail Chief Inspector Jamadron sa naturang hakbangin na ito ng national government. (PIO Lucena/J.Escuterio)

No comments