Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala dumalo sa ground breaking ceremony ng St. Ferdinand Cathedral

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang ground breaking ceremony ng pagsasa-ayos ng bahagi ng Saint...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang ground breaking ceremony ng pagsasa-ayos ng bahagi ng Saint Ferdinand Cathedral si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Nagsimula ang nasabing aktibidad sa isang misa na ung saan ay pinangunahan ito ni Bishop Emilio Marquez kasama ang ilang mga kaparian sa lungsod.Kasama ni Mayor Dondon Alcala sa naturang misa na ito si Konsehal Nilo Villapando, Konsehal Vic Paulo at Brgy. Silangang Mayao Chairwoman Nieves Maaño.

Matapos ang isinagawang misa, isinunod naman dito ang maiksing programa na kung saan ay binasbasan ni Bishop Marquez ang lugar na ipapaayos sa simbahan. Kasunod nito ang pagpirma ng mga naging sponsor sa pagsasaayos ng bahaging ito ng simbahan.Pinangunahan naman ni Mayor Alcala ang pagtatabon sa inilagay na kapsula na siyang magsisilbing marker nito kung kalian ito sinimulang isaayos.

Maging ang ilang mga kaparian sa lungsod, sa pangunguna naman ni Msgr. Denni Imperial at mga sponsor sa pagsasaayos nito ay nagtabon rin sa nabanggit na lugar.Matapos ang ginawang ground breaking ceremony ay nagtungo naman ang mga nagsipagdalo dito sa Edeficio De San Fernando Building upang magkasalo-salo sa isang meryenda. Ayon naman kay Sir Arnold Cayno, ang isa sa mga layko ng nasabing simbahan, ang pagsasaayos ng kanang bahagi ng simbahan ay upang mapaganda ito at gayundin ay upang hindi na mabasa ang lahat ng mga nagsisimba at nagtutungo sa bahaging ito ng Saint Ferdinand Cathedral. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.