Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala pinuri ang mga namumuno sa Koopnaman Multi-Purpose Cooperative

Mayor Roderick “Dondon” Alcala (Photo by Pio Lucena) “Isa po sa pinakamatibay at pinakamamaayos na kooperatiba dito po sa lungsod ng Ba...

Mayor Roderick “Dondon” Alcala
(Photo by Pio Lucena)
“Isa po sa pinakamatibay at pinakamamaayos na kooperatiba dito po sa lungsod ng Bagong Lucena ay ang Koopnaman Multi-Purpose Cooperative.”Ganito inilarawan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nasabing kooperatiba na maituturing na matagumpay sa nabanggit na larangan.

Sinambit ni Mayor Dondon Alcala ang mga pahayag na ito sa ginanap na annual general assembly ng naturang samahan.

Ayon kay Mayor Alcala ito ay dahilan na rin sa maayos na pamamalakad ng mga namumuno dito bukod pa rin ang mga magagandang programa nito para sa kanilang mga miyembro.At dahil sa maayos na pamamalakad sa kanilang kooperatiba, isang kahilingan ang kaniyang inialok sa mga ito kamakailan at ito ay ang pagmamando at pamamahala ng public market annex.

At matapos ang masusing pakikipagpulong sa lahat ng board members at committee members ng Koopnaman MPC gayundin sa mga miyembro nito, napag-pasyahan ng mga ito na tanggapin ang alok ng pamahalaang panlungsod.

Matuwa at pinasalamatan naman ni Mayor Alcala ang pagsang-ayon at pagtanggap ng pamunuan ng naturang kooperatiba sa alok na ito ng alkalde.

Ang hakbang na ito ng punong lungsod na ibigay ang pamamahala ng public market annex sa Koopnaman ay dahilan sa tiwala nito sa naturang samahan na mapapatakbo nito ng maayos ang lugar at ito ay dahil na rin sa kanilang matagal na karanasan sa kanilang kooperatiba.

Tiniyak naman ni Mayor Dondon Alcala sa pamunuan ng Koopnaman MPC na kaniyang susuportahan at tutulungan ang mga ito sa kanilang mga pangangailangan hinggil sa pagsa-saayos at pamamalakad ng mga ito sa public market annex ng Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.