Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Opening ng basketball tournament sa bahagi ng Brgy. 9, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang opening ng basketball tournament sa bahagi ng Brgy. 9 si Mayor Roderick “Dondon” Alcal...


Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang opening ng basketball tournament sa bahagi ng Brgy. 9 si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Nakasama rin ng alkalde sa pagsisimula ng paliga dito sina Councilor Vic Paulo at Nilo Villapando.
Present rin dito ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Barangay na pinangunahan naman ng kanilang kapitan na si Gerry Dela Cruz.
Sa isang maiksing programa, binigyang pasasalamat ni Chairman Gerry Dela Cruz si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga naitulong nito sa kanilang ginawang paliga.
Gayundin ang pagkakaloob sa kanila ng isang magandang basketball court na kung saan ang mga pinturang ginamit dito ay nagmula rin sa alkalde.
Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, pinasalamatan nito si Kapitan Dela Cruz at ang lahat ng mga namuno sa pagsasagawa ng paligang ito.
Gayundin inihayag rin nito ang kaniyang buong pagsuporta sa kanilang programang ito na tiyak aniyang makatutulong sa mga kabataan dito na mahubog ang kanilang talento sa larangan ng sports.
Nagbigay rin ng tagubilin si Mayor Alcala sa laaht ng mga kalahok sa palarong ito na huwag gagamitin ang kanilang siko at tuhod at bagkus ay dapat na gamitin ng mga ito ang kanilang galing sa paglalaro ng basketball.
Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa pagbubukas ng mga paliga ng basketball sa mga barangay ay bilang pagpapakita niya ng pagsuporta sa lahat ng mga manlalarong Lucenahin dahil isa sa mga hinahangad ng alaklde ay malinang at makilala ang mga atletang Lucenahin hindi lamang sa ating lungsod kundi sa buong bansa at maging sa buong mundo.(PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.