Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pipi at bingi na nakapagtapos ng kolehiyo

Napatunayan ng isang may kapansanang pipi at bingi na bagong graduate sa kolehiyo na nagmula sa siyudad ng Tacloban na hindi hadlang ang ka...

Napatunayan ng isang may kapansanang pipi at bingi na bagong graduate sa kolehiyo na nagmula sa siyudad ng Tacloban na hindi hadlang ang kapansanan sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Si Ma. Merliza Montibon, na isang pipi at bingi at nakapagtapos ng Hotel and Restaurant Services sa AMA Computer Learning Center, ay bahagi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office No. 8 matapos maging kwalipikado bilang isa sa mga benepisyaryo ng DOLE Government Internship Program (GIP) para sa taong 2017.

Matapos ang serye ng mga pagsusuri sa kanyang mga dokumento para makapagtrabaho at mga panayam, nagpasya ang DOLE Northern Leyte Field Office na magbigay sa kanya ng isang tatlong buwan internship upang ipakita ang kanyang mga talento at kasanayan sa larangan ng public service.

“Napakasaya ko dahil mararanasan kong magtrabaho sa pamahalaan, lalo na sa DOLE, at hindi sapat ang aking pasasalamat sa pagbibigay ng pagkakataong ito sa aking buhay,” sinabi ni Montibon sa pamamagitan ng pag-sign language.

Ibinahagi rin niya ang kuwento ng kanyang mga pangarap at determinasyon bilang isang magiliw na public servant, na laging handang tulungan ang mga taong nangangailangan.

Bilang panganay sa apat na magkakapatid, tumutulong si Montibon sa kanyang ina sa pag-aalaga ng kanyang mga nakababatang kapatid matapos silang iwan ng kanyang ama 10 taon na ang nakakaraan. Siya ay nagtiis sa mahirap na trabaho, at sa murang edad ay nagbabanat na ng buto para lamang makatulong sa kanyang pamilya na makaraos sa araw-araw na pamumuhay.

Pagkatapos suportahan ang kanyang sariling pag-aaral, nagawan niyang tapusin ang kanyang kurso at nag-aply para maging GIP sa DOLE RO 8 at sa kabutihang-palad tinanggap at agad na sinimulan ang kanyang internship sa department.

Ang government internship program ay isang bahagi ng proyekto ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng mga oportunidad para sa mga batang manggagawa na nais maghatid serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng mga proyekto at serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal at nasyonal na tanggapan.(DOLE)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.