Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

TESDA - Quezon, nagsagawa ng skills mapping survey kamakailan

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon--Nagsagawa kamakailan ng skills mapping survey ang panlalawigang tanggapan ng Technical Education and Skills Deve...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon--Nagsagawa kamakailan ng skills mapping survey ang panlalawigang tanggapan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Quezon sa mga barangay sa apat na distrito ng lalawigan.

Sinabi ni Engr. Racy Gesmundo ng TESDA-Quezon, na layunin ng skills mapping survey na malaman ang mga pangangailangang kaalaman o kasanayan ng mga kabataan o maging ang mga nakatatanda sa barangay upang matulungang magkaroon ng kasananayan sa mga techvoc courses na naaayon sa kani-kanilang pangangailangang teknikal upang magkaroon ng magandang oportunidad sa paghahanapbuhay.

Sa survey, lumabas na ang ang mga pangunahing skills training na kailangan ng mga residente sa mga barangay ay welding, automotive, driving at health care services. Ang iba pang skills training na kailangan ay electrical, electronics, bookkeeping, food processing, dress making, emergency medical services, cookery o pagluluto, agricultural crops, organic agricultural crops, carpentry at massage theraphy.

Ayon kay Engr. Gesmundo, ang TESDA ay patuloy na nagsasagawa ng survey sa mga barangay upang malaman ang “skills needs” ng mga mamamayan sa barangay at matulungan makapag-aral sa mga TESDA accredited school sa pamamagitan ng scholarship program.

Kapag nakatapos ng pag-aaral at makapasa sa mga pagsusulit (assessment), bibigyan ng ‘training certificate’ at National Certificate (NC II) ang mga nagtapos na maaaring gamitin sa paghahanap ng pagtatrabaho lokal man o sa ibang bansa. (Ruel M. Orinday/ PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.