LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA) Apat na security guard ng SM City Lucena ang tumanggap ng parangal dahilan sa katapatan sa pagtupad sa tung...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA) Apat na security guard ng SM City Lucena ang tumanggap ng parangal dahilan sa katapatan sa pagtupad sa tungkulin noong Abril 21 kaalinsabay sa idinaos na “10th joint tactical inspection and general assembly” ng mga guwardiya at mga opisyal ng SM City Lucena sa Open Parking D ng nasabing mall. Ang mga binigyan ng parangal ay sina SO Jofranel Murillo mula sa Stanch Security Agency; SG Aries P. Petalcorin mula sa Vigilantes Security Agency; SG Robert A. Coralde mula sa Defense Specialist Security Agency at SG James Andrew mula sa Defense Specialist Security Agency. Binigyan ng parangal ang nasabing mga guwardiya sa katapatan sa pagsasauli ng mga gamit o cash na nakita o sa loob ng SM mall sa mga tunay na may-ari. Sinabi ni John Jason Terrenal, AVP, operations SCMC South Luzon 4 & 5, ang pagbibigay ng parangal sa apat na gwardiya ay pagpapatunay ng katapatan sa tungkulin na ibinibigay sa SM City –Lucena at maging sa komunidad.
Patuloy din tumutulong ang apat na gwardiya sa seguridad at pag-iingat ng buhay at ari-arian ng SM city mall. Dumalo rin at naging panauhin sa okasyon si Engr. Antolin V. Paule, SVP- EDD and Security Affairs ng SM City Lucena na nagbigay papuri sa mga guwardiyang tumanggap ng parangal mula sa pamunuan ng SM City Lucena. Ang aktibidad ay idinaos ay kaugnay sa ‘ annual security audit’ ng SM City Lucena na naglalayon ding mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng mga kagamitan ng mga gwardiyang tumutupad ng kanilang tungkulin sa nasabing mall.
Dumalo rin sa okasyon sina Lilibeth Azores, PR manager ng SM City Lucena; Victor Santiago; Almus J. Alabe, Felipe Buena; PNP Retired Gen. Charlemagne Alejandrino; Jose Colar na kumatawan kay Mayor Dondon Alcala at Engr. Russel Alegre, Assistant Mall manager ng SM City Lucena. (GG/RMO, PIA-Quezon)

No comments