Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

“GaySayahan sa Lucena Basketball Tournament”, matagumpay

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang “GaySayahan sa Lucena Basketball Tournament kamakailan.Ang naturang...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang “GaySayahan sa Lucena Basketball Tournament kamakailan.Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa STI Gymnasuim na kung saan ay nasa apat na koponan ang naglaban-laban dito.Ang nabanggit na palarong ito ay naisagawa dahil na rin sa inisyatiba at sponsor ng programang “Usapang Lalake”, na pinangungunahan nina Gemmi Formaran, Johnny Glorioso at Rico Catampungan, at ng Food Hub Restaurant sa pagmamay-ari ni Kagawad Ederliza Tan at ng Ang Dyaryo Natin.

Ito anila ay para mabigyan ng pagkakaton ang mga nasa gay community na ipakita ang kanilang talento pagdating sa naturang sports.Naging panauhing pandangal naman sa okasyong ito si Mayor Roderick “Dondon” Alcala na dumalo dito kasama ang kaniyang maybahay na si Maggie Alcala.Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, binati nito ang lahat ng mga namuno sa palarong nabanggit.Dagdag pa ni mayor Alcala, ang torneyong ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang na rin ng Pasayahan sa Lucena.

Gayundin inihayag ng alkalde ang kaniyang buong pagsuporta sa paligsahang ito at sinabi nito na sakaling mangailangan pa ng tulong ang mga nagpasimula nito ay nahanda siyang tulungan ang mga ito.Ayon naman kina Gemmi Formaran at Johnny Glorioso, kanilang isasagawa ang paligsahang ito taon-taon na kung saan ay bukod sa basketball at magkakaroon na rin sa susunod na taon ng larong volleyball.Lubos namang nagpasalamat ang lahat ng mga bumubuo ng nasabing palaro sa mga tumulong sa kanila upang maisagawa ang proyektong ito sa pangunguna nina Congressman Vicente “Kulit” Alcala, Mayor Dondon Alcala at sa iba pa.Ang pagsasagawa ng pbasketball tournament na ito ay upang ipakita sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod na ang larong ito ay hindi lamang para sa mga kalalakihan at bagkus ay kaya rin itong gawin ng mga nasa gay community.

Isa rin itong paraan upang magkaroon ng camaraderie ang nasa third sex at upang ipakita rin sa kanila ang paggalang at pagbibigay ng halaga ng lahat ng mga namumuno sa “GaySayahan sa Lucena Basketball Tournament”. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.