Bukod sa magandang balita na inihatid ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa isinagawang pagpupulong ng mga magulang na mayroong anak na mag...
Bukod sa magandang balita na inihatid ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa isinagawang pagpupulong ng mga magulang na mayroong anak na magtatapos sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na walang gagastusin ang mga ito ay may karagdagan pang goode news ang alkalde sa mga ito.
Ayon sa punong lungsod sa itinuturing na tatay ng mga estudyante ng DLL ay kaniyang kinausap ang anim na cum laude at 11 indibidwal na mayroong academic distinction na isasailalim ang mga ito sa programa ni 2nd District Congressman Vicente ‘Kulit’ Alcala katuwang ang Department of Labor and Employment (DoLE) na tinatawag na Government Internship Program.
Sa naturang programa, sampong indibidwal lamang ang maaaring makuha at ang 75% ng tinatawag na daily wage ay sagot ng DOLE ngunit sa pagnanais ni Mayor Dondon Alcala na ang lahat ng magtatapos ng may karangalan sa naturang ekswelahan ay maipasok sa City Government at kaniyang dinagdagan ang budget at ginawang 17 ang kukunin.
Ibinahagi din ng alkalde ang kagandahan na makapasok sa local na pamahalaan ang mga estudyanteng ito dahil mayroong oportunidad ang anim na estudyanteng magtatapos ng Cum Laude na maging kwalipikado sa permanent position sakaling magkaroon ng bakanteng posisyon kung magiging maganda ang performance nito.
Aniya hindi na kasi kailangan na mag-take ng Civil Service, professional man o sub-pro ng mga nasabing Dalubcenians na magtatapos na cum laude.
Tunay na binibigyang prayoridad ni Mayor Alcala na mabigyan ng trabaho ang mga mga magsisipagtapos sa DLL dahil sa malaki ang kaniyang tiwala sa angking kakayanan ng mga ito na maapgtagumpayan ang anumang landas na kanilang tatahakin. (PIO Lucena/ J. Escuterio)

No comments