Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Inter Office-Commercial Basketball League, pormal nang inilunsad

Pormal nang inilunsad ng City Sports and Development Office ang Inter Office-Commercial Basketball League kamakailan. Ginanap ang natura...

Pormal nang inilunsad ng City Sports and Development Office ang Inter Office-Commercial Basketball League kamakailan.
Ginanap ang naturang opening nito sa Punzalan Gym na kung saan ay naging panauhing pandangal dito si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.Mayroong tatlong katergorya ang nasabing palaro ng City Sports Develeopment Office, na pinamumunuan ni Coach Ogie Ng, at ito ay ang city government office division, commercial division at ang girls division.Tinatayang aabot sa 13 mga teams ang kasali sa inter office division habang 10 sa inter commercial at 9 naman sa girls division.Nagsimula ang naturang paligsahan sa pamamagitan ng isang maiksing parada na nagsimula sa old city hall building patng Punzalan Gym.
Matapos nito ay isa-isa nang ipinakilala ang mga naturang kalahok kasama ang kanilang mga naggagandahang mga muse at rumampa bilang bahagi ng nasabing paligsahan.Hinirang na best muse ang delegado mula sa team ng City Treasurers Office na si Kathlene Faye Alcante,Sa isang maiksing programa dito, at sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na isang magandang paraan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng paligsahan dahilan sa nagkakaroon ng camaraderie o magandang samahan ang lahat ng mga empleyado ng city government.Nagbigay rin ng tagubilin ang alkalde na mas mabuti rin aniya na i-develop ng lahat ng mga kalsali dito ang kani-kanilang skills at hindi ang makasakit ng iba pang manlalaro.
Dagdag pa ng punong lungsod, ang paligsahang ito ay taon-taon nang isasagawa upang ang lahat ng mga government empoloyees maging local man at national ay maging physically fit.At matapos nito, pinangunahan naman ni Lucena City Police Chief PSupt. Art Brual ang oath of sportsmanship.At bilang pagsisimula ng nasabing palaro, unang naglaban ang koponan ng Mayor’s Team at ang DepEd Lucena.Pinangunahan ni Sir Joepi Falqueza, kasama ang ilang mga principal ng pampublikong paaralan sa Lucena, ang koponan ng DepEd.Sa umpisa ng naging laban ng dalawang koponan, lumamang ang Mayor’s Team ng halos 10 puntos ngunit pagdating ng ikatlong quarter ay unti-unti nang nakahabol ang DepEd Lucena at nakuha pa ang kalamangan laban dito.
Ngunit hindi naman nagpadaig ang mga manlalaro ng Mayor’s Team at nabawi ang kalamangang ito hanggang sa pagtatapos ng laro.Ngunit kahit na natalo ang koponan ng DepEd Lucena, pinasalamatan naman ng ito si Mayor Alcal sa pagkakataon na nakalaro ito sa nasabing paligasahan.Ang paglalaro ni Mayor Dondon Alcala sa Inter Office-Commercial Basketball League ay isang paraan nito upang makahalubilo ang lahat ng mga manlalarong empleyado ng pamahalaang panlungsod at bilang pagsuporta rin nito sa City Sports Development Office sa kanilang proyekto na panatilihin ang maayos na pangangatawan ng mga ito.Patunay rin ito na hindi lamang pangserbisyo publiko ang alkalde kundi pwede rin ito sa larangan ng pampalakasan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.