LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Pursigido ang ikatlong distrito ng Quezon na matulungan pa ang mga sumukong drug pusher o user sa lalawigan s...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Pursigido ang ikatlong distrito ng Quezon na matulungan pa ang mga sumukong drug pusher o user sa lalawigan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa para tuluyang makapagbagong buhay ang mga sumuko. Sa idinaos na ‘Kapihan sa PIA’ sa Pacific Mall, Lucena City noong April 19 na dinaluhan ng may 20 mamamahayag, sinabi ni bokal Dominic Reyes na nakatuon ngayon ang pamahalaang panlalawigan sa rehabilitation program upang matulungan ang mga sumukong drug pusher/user sa pamamagitan ng tinatawag na ‘educational support system’ ng mga ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Education (DepEd) at maging ang Department of labor and Employment (DOLE) upang magkaroon ng kasanayan sa iba’t-ibang gawain ang mga sumuko at magkaroon ng hanapbuhay.
Ayon pa kay Reyes, bagama’t wala pang sapat na pondong nakalaan para sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug pusher/user sa Quezon ay patuloy naman ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan upang matulungan ang mga sumuko.
Sa programang ‘Kapihan sa PIA’, pinuri din ni Reyes ang programang USAD o United Stand Against illegal Drugs’ ng DILG at PNP na naglalayong mas patibayin at patatagin ang paghuli sa mga drug user/pusher.
Samantala, handa rin namang tulungan ng Team Energy Corporation at ng Quezon police provincial office sa pangunguna ni Provincial Director Rhoderick Armamento ang mga sumukong drug pusher/user sa Quezon sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho kung matatapos ng mga sumuko ang seminar at training tuwing Sabado na isinasagawa sa mga barangay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at mga religious sector.
Sa kasalukuyan, may mahigit na 13,000 drug surrenderees ang lalawigan ng Quezon. (GG/RMO, PIA-Quezon)

No comments