Nakapagtala noong nakaraang linggo ang PhilJobNet ng 7,959 bagong bakante para sa lokal na trabaho, kabilang dito ang beauty consultant at...
Nakapagtala noong nakaraang linggo ang PhilJobNet ng 7,959 bagong bakante para sa lokal na trabaho, kabilang dito ang beauty consultant at finishing carpenter. Ang PhilJobNet ay isang internet-based job and applicant matching system ng Department of Labor and Employment. Ang nabanggit na bakanteng trabaho, kasama ang call center agent, staff nurse, cashier, at salesman, ay kabilang sa unang 20 bakanteng trabaho na naitala ng PhilJobNet noong nakaraang linggo.
Sa ulat kay Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III, sinabi ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique R. Tutay na ang weekly update mula sa PhilJobNet na kinalap ng BLE noong Abril 20, ang unang 20 bakante ay ang mga sumusunod: Call Center Agent - 1,698, Staff Nurse - 899, Beauty Consultant - 610, Salesman - 402, Customer Service Assistant - 342, Food Server - 339, Market Salesperson - 330, Bank Teller - 300, at Real Estate Salesperson - 300. Ang iba pang nakatala sa PhilJobnet na bakanteng trabaho at naghihintay ng mga aplikante para sa Promo Salesperson – 270, Sales Clerk – 265, Delivery Driver – 265, Bagger – 230, Product Machine Operator – 214, Stall Salesperon – 200, Merchandiser – 195, Finishing Carpenter – 189, at Service Crew – 187.
Batay sa statistical classification ng iba’t ibang occupational groups ng working population ng Philippine Standard Occupational Classification (PSOC), ang Beauty Consultant ay nasa hanay ng Service and Sales Workers occupational group. Sa ginanap na lingguhang monitoring ng DOLE job matching portal, may 1,700 employer ang mga nakatalang bakanteng trabaho. Nilalayon ng PhilJobNet, isang pasilidad ng DOLE, na gawing mabilis ang paghahanap ng aplikante ng trabaho at gayundin ang paghahanap ng employer ng empleyado. Pinangangasiwaan ng Bureau of Local Employment ang nasabing centralized database. Ang sinumang aplikante na may edad 15 taon pataas ay maaaring mag-rehistro sa PhilJobNet.
Maaari ding gamitin ng employer ang PhilJobNet upang hikayatin ang mga naka-rehistrong aplikante para sa isang job interview sa ninanais nilang petsa at maaari din silang mag-print ng profile ng aplikante. May kakayahan din ang employment facilitation portal na i-upload ang profile picture ng aplikante, logo at kinakailangang dokumento ng kompanya.
Sakaling makalimutan ng user ang kanyang password, maaari niya itong i-retrieve o palitan. Magiging mabilis din ang paghahanap ng aplikante ng trabaho sa PhilJobNet, dahil maaari niyang gamitin ang filter batay sa partikular na posisyon niyang ninanais at ang kinakailangang kwalipikasyon ng aplikante. Maaari ding mag-aplay ang aplikante online at tingnan ang mga pangunahing kompanya na naghahanap ng empleyado.
Maaaring mag-rehistro sa PhilJobNet ang isang employer o establisyamento na kinikilala ng business authorizing agency sa Pilipinas at may aktibong Tax Identification Number (TIN). Hindi kailangang magbayad ng aplikante at ng establisyamento sa paggamit ng PhilJobNet. Maaari itong gamitin sa mga Job Search Kiosk na nakatalaga sa mga tanggapan ng DOLE at regional offices, Public Employment Service Offices (PESOs), at piling unibersidad sa buong bansa. (DOLE) Para sa karagdagang bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleo, maaaring mag-log on ang mga naghahanap ng trabaho at employer sa http://philjobnet.gov.ph/ o bumisita sa Bureau of Local Employment sa 6th Floor, BF Condominium cor. Solana & Soriano St., Intramuros Manila. Maaari din silang tumawag sa PhilJobNet Hotline sa numero (632) 527-2543 Fax: (632) 527-2421.

No comments