Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

OFW hinikayat na gamitin ang Assist WELL

LUNGSOD MAYNILA, Mayo 10 -- Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) na gam...

LUNGSOD MAYNILA, Mayo 10 -- Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) na gamitin ang mga serbisyong iniaalok ng pamahalaan sa ilalim ng programang ‘Assist WELL’.

Ang 'Assist WELL’, na kumakatawan sa ‘Welfare, Employment, Legal, at Livelihood’ ay isang programa na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga umuuwing OFWs.

Muling binigyang-diin ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang kanyang tagubilin sa opisyal ng mga kinauukulang ahensiya na namamahala ng programa na palakasin ang kanilang pagpupunyagi sa pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga umuuwing OFWs.

“Gusto naming tiyakin na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga umuuwing OFWs, partikular ang mga naapektuhan ng krisis at ng 90-araw na programang amnestiya na ipinatutupad ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA),” ani Bello.

Sa memorandum na kamakailan ay kanyang ipinalabas, binigyang-diin ng kalihim ang tiyak na tungkulin at responsibilidad ng mga kinauukulang opisyal at ahensiya na dapat nilang gampanan sa implementasyon ng nasabing programa.

Kanyang inatasan ang Center Manager na nangangasiwa sa Assist WELL Processing Centers na asikasuhin ang paglilipat ng mga umuwing OFW, kasama na ang pagsasagawa ng kanilang profiling.

Kanya ring sinabi na dapat i-encode ang profiles ng mga OFWs na humihiling ng tulong gamit ang Assist WELL Tracking System.

Maliban sa pagsasagawa ng profiling, naatasan din ang Center Manager na tiyakin na may sapat na kakayahan at sumailalim sa pagsasanay ang grupong naatasan na mangasiwa at magbigay ng serbisyo sa Assist WELL Processing Centers.

“Mayroon din dapat nakatalagang regular senior level officer na dapat mangasiwa sa pang-araw-araw na pamamalakad sa Processing Center,” ani Bello.

Sa kabilang banda, ang Assist WELL Secretariat, ay naatasan na i-update ang mga serbisyo at tulong na ibinibigay sa mga umuuwing OFW at tiyakin na ang lahat ng mekanismo ay naka-enroll sa programa ng e-Tracking System para sa maayos at mabilis na pag-momonitor ng tulong na ibinibigay.

Nakasaad din sa memorandum na dapat tiyakin ng International Labor Affairs Bureau (ILAB) ng DOLE na ang lahat ng home-based Labor Attachés at personnel na ide-deploy sa mga Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) at sumasailalim sa Immersion Program ay naitalaga na mag-serbisyo sa Assist WELL Centers.

“Para mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga pauwing OFWs, inaatasan din ang mga POLO na i-rehistro ang mga ito sa Assist WELL e-Tracking System sa pakikipagtulungan ng IT Team ng Philippine Overseas Employment Administration,” ani Bello.

Hinihikayat din ang mga opisyal na magkaroon ng regular na pagpupulong at magsagawa ng linkaging at networking sa iba pang ahenisya ng pamahalaan, non-government agencies, pribadong sector, at iba pang kinauukulang sector para mas mapalakas ang paghahatid ng serbisyo sa mga kinauukulang kliyente.

Ipinatutupad ng DOLE ang programang ‘Assist WELL’ sa pamamagitan ng regional offices, bureaus, attached agencies at POLOs. Itinatag ang Processing Centers sa tatlong ahensiya ng DOLE at 17 regional offices sa bansa.

Ang ilan sa mga libreng serbisyo sa ilalim ng programa ay stress debriefing o counseling mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); referral para sa local na trabaho mula sa Bureau of Local Employment; referral para sa trabaho sa ibang bansa mula sa POEA at sa mga regional centers o extension offices nito; tulong pangkabuhayan mula sa OWWA at National Reintegration Center for OFWs (NRCO); tulong-legal o conciliation services mula sa POEA, DOLE regional offices, at sa Regional Coordinating Councils; at pagbibigay ng competency assessment at pagsasanay mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). (Tim Laderas/GMEArce-DOLE)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2131494326281/tagalog-news-ofw-hinikayat-na-gamitin-ang-assist-well#sthash.gg3j77Hy.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.