LUCENA CITY, Quezon - Ipapatupad na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth Region 4A sa pakikiisa ng Department of Educat...
LUCENA CITY, Quezon - Ipapatupad na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth Region 4A sa pakikiisa ng Department of Education (DepEd) sa lalong madaling panahon ang programang tinatawag na Social Health Insurance Academy sa mga Grade 10 students sa mga paaralan sa Region 4A. Sa programang ‘Balikatan Unlimited with PIA’ sa DWLC Lucena City noong Abril 21 ng umaga , sinabi ni G. Arturo C. Ardiente, Division Chief, Field Operations Division ng PhilHealth 4A, na layunin ng programa na maituro sa mga batang mag-aaral na Grade 10 ang kahalagahan at benipisyong matatamo ng pagiging miyembro ng PhilHealth sa pamamagitan ng mga MAPE o Music, Arts and Physical Education teachers na siyang magtuturo.
Ayon kay Ardiente, bibigyan ng PhilHealth learner’s manual ang mga MAPE teachers na gagamitin sa pagtuturo ng kahalagahan ng pagiging miyembro ng PhilHealth ng isang tao, empleyado man o hindi. “Uunahin muna naming ipatupad ang programang ito sa may 20 paaralan sa Calamba City at pagkatapos ay isusunod namin ang iba pang mga paaralan sa Region 4A kasama na ang lalawigan ng Quezon” sabi pa ni Ardiente. Binanggit din ng opisyal ng PhilHealth na isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng PhilHealth at DepEd Central Office sa Maynila bago pa man ipatupad ang programang social health insurance academy.
Ang pagtuturo ng mga kaalaman ukol sa PhilHealth na aabot sa tatlong buwan o isang quarter ng taon sa mga batang mag-aaral ay kaugnay din sa pagpapatupad ng universal health care program ng pamahalaan. (GG/Ruel Orinday, PIA-Quezon)

No comments